Matinding panloloko sa online food delivery na naganap sa Las Piñas, noong Marso o Abril pa nga ba nangyari?

  • Nagkumpulan ang nasa 10 food delivery riders sa labas ng isang bahay sa Las Piñas City matapos makatanggap ng order mula sa netizen na si AJ Pande
  • Pagdating sa ibinigay na address ay wala namang AJ Pande na nakatira doon, at saka nila malalaman na scam pala ang naturang order
  • Ayon sa barangay, Marso o Abril pa nangyari at nai-report ang hindi pagkakaunawaan ng mga delivery riders at itinuturong umorder

Inanunsyo ng food delivery service na GrabFood na ang sino mang mga customer na hindi tatanggap ng kanilang mga orders ay maaaring humarap sa ilang parusa. Ito ay dahil sa naganap na insidente kung saan ang maraming orders ng isang customer ay hindi niya tinanggap nang i-deliver na sa kaniyang address.

Imahe mula kay Natalie dela Cruz via Facebook

Ganito man ang naging panukala ng GrabFood, hindi naman nakaligtas ang iba pang food delivery service tulad ng FoodPanda lalo na sa mga scam orders. At nangyari nga ang pinakamatinding panloloko kamakailan matapos magkumpulan ng nasa sampung FoodPanda riders sa harap ng isang bahay kung saan hindi naman doon nakatira ang umorder na customer.

Laman ngayon ng mga balita at media pages ang tungkol sa naganap na panloloko sa online food delivery riders sa may Pilar Village, Las Piñas City. Isang nagngangalang “AJ Pande” umano ang umorder gamit ang food delivery app.

Kuwento ng saksi at uploader ng litrato ng mga rider na si Natalie dela Cruz, gumamit umano ng iba’t ibang contact number ang nagngangalang AJ Pande upang umorder ng iba’t ibang menu ngunit iisa lamang ang kaniyang ibinigay na address.

“Nakwento sa ‘kin ng mga rider na pinick up po nila sa seller ‘yung order ni AJ Pande. Paiba-iba ‘yung contact number na binigay ni AJ pero same address,” ani Natalie. Ngunit nang ibibigay na sa nasabing address ang order ay wala umanong AJ Pande na nakatira doon. Sa halip ay isang senior citizen ang naninirahan at may-ari umano ng bahay.

Imahe mula kay Natalie dela Cruz via Facebook

“Sinasabi ni AJ ‘pag walang lumalabas sa bahay ay mag-doorbell nang maraming beses. Tapos after that sasabihin niya sa seller ‘this is a scam, marami na kayo nabiktima mga bob* kayo,'” kuwento pa ni Natalie sa ABS-CBN News.

Ayon kay Jose Esguerra, officer-in-charge ng Barangay Pilar, mayroong naganap na hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng itinuturong umorder at iba’t ibang food delivery riders ngunit Marso o Abril pa umano ito nangyari at mayroon ding blotter na magpapatunay.

Nanindigan naman si Natalie na nitong September 15 lamang nakuhanan ang litrato ng mga kumpulang riders. Sa ngayon ay wala pang natatanggap na reklamo mula sa FoodPanda at hinihintay din ang kanilang tugon hinggil sa naganap na panloloko.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: