Matandang lalaki na ginawang tindahan ang sarili, inulan ng tulong mula sa netizens

  • Matapos i-post ng isang netizen ang tungkol sa matandang lalaki na isinabit ang mga itinitindang pagkain sa katawan, bumuhos ang tulong mula sa mga netizens
  • Siniguro naman ng netizen na lahat ng tulong pinansyal sa matandang lalaki ay matatanggap nito, at nagbibigay din siya ng update tungkol sa mga nabigay na tulong sa Facebook
  • Marami naman ang humanga sa netizen dahil sa kaniyang pagsisikap na mapagaan kahit papaano ang buhay ng matandang lalaki

Nasa mahigit 56,000 reactions at 40,000 shares na ang post ng netizen na si Daryl Bontia tungkol sa nakita niyang isang matandang lalaki na nagtitinda ng mga pagkain sa daan at sumasakay sa mga jeep.

Imahe mula kay Daryl Bontia via Facebook

Imbes na mayroong bag o lalagyan, nakasabit sa mismong katawan ng matandang lalaki na kinilalang si Cirilo Almona ang mga itinitindang pagkain. Naawa si Daryl sa kalagayan ni Tatay Cirilo kaya kinuhanan niya ito ng litrato at ibinahagi sa social media.

Kuwento ni Daryl, ang 59-anyos na si Tatay Cirilo, ay mag-isa lamang sa buhay at kasalukuyang nakikitira sa kaniyang kaibigan. Wala siyang anak at ang kaniyang asawa naman ay namamasukan bilang katulong at isang beses sa isang taon lang sila umano kung magkita.

Ilang araw matapos i-post, inulan ng private message ang Facebook account ni Daryl mula sa mga netizen na nagpaabot ng tulong kay Tatay Cirilo. Muling nakita ni Daryl ang matandang lalaki sa may daan ng Marikina papuntang Pasig at kalimitang sa may Santolan o Manggahan ito matatagpuan.

Imahe mula kay Daryl Bontia via Facebook

Ipinakita ni Tatay Cirilo ang kaniyang ID kay Daryl, pinakain din siya ni Daryl gamit ang sarili niyang pera at hindi umano niya ginalaw ang mga donasyon na bigay ng netizens para kay Tatay Cirilo.

Bukod sa tulong pinansyal ay binilhan din ni Daryl si Tatay Cirilo ng groceries. Kung sakali umanong mayroon pang magbigay ng pera para kay Tatay Cirilo ay makikipagkita muli sa kaniya si Daryl.

Sinigurado naman ni Daryl sa mga netizens na nagbibigay ng pera na makararating kay Tatay Cirilo ang kanilang donasyon sa pamamagitan ng pag-send ng proof. Bukod sa mga nais tumulong kay Tatay Cirilo, inulan din ng paghanga si Daryl mula sa netizens dahil sa pagsisikap niyang maging tulay ng pagtanggap ng tulong ni Tatay Cirilo.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: