Maganda rin ang sariling atin: Prenup photoshoot na tampok ang mga sinaunang kasuotan at pag-iibigan

  • Nauuso ngayon bilang tema ng prenuptial photoshoot ng mga magkasintahan ang pagre-recreate ng mga eksena sa Korean drama
  • Isang photographer mula Batangas ang naisipan na itampok naman sa prenup shoot ang sinaunang pagliligawan at pag-iibigan sa kultura ng mga Pinoy
  • Nakabibighani ang mga litrato dahil na rin sa kasuotan ng magkasintahan kasama na ang ganda ng tanawin sa Batangas

Iba’t ibang tema, pakulo, at kaugnayan sa modernisasyon ang nauuso sa mga prenuptial photoshoot ng magkasintahan na malapit nang ikasal. Ang mga ito ay ibinabahagi nila sa social media at ang iba ang nagiging viral pa dahil sa kakaiba o patok na tema.

Imahe mula sa CJ Castro Photography via Facebook

Nauuso rin ang pagre-recreate ng mga tagpo o eksena sa mga kinababaliwan na Korean drama kung saan ang magka-love team ang siyang ginagampanan ng magkasintahan.

Ngunit para sa isang events photographer, videographer, at vlogger, hindi lamang ang mga eksena sa Korean drama ang nakakikilig, dahil tayong mga Pinoy mismo ay may sariling bersyon ng ligawan at pag-iibigan na nagmula pa sa ating mga ninuno.

Naisip ni Caren Esteban Castro, may-ari ng CJ Castro Photography mula Batangas na lagyan din ng kakaibang twist ang prenup photoshoot ng magkasintahang sina Roderick Alayon at Liezl Geba mula naman sa Quipot, San Juan, Batangas. Ang “twist” na ito ay ang pagkakaroon ng tema na nababagay sa sinaunang ligawan at pag-iibigan ng mga magkasintahan.

Imahe mula sa CJ Castro Photography via Facebook

Kuwento ni Caren, dahil karamihan sa mga prenup location ngayon ay sarado dahil sa pandemya, naisipan ng magkasintahan na sa kanilang lugar na lamang sa Quipot magkaroon ng photoshoot. At dahil pamilyar si Caren sa lugar ay alam niyang mayroong magagandang tanawin doon na siyang naging background ng magkasintahan sa litrato.

Bukod sa suot nilang maituturing na sinaunang damit ng mga Pinoy, ang kanilang mga pose sa litrato ay mayroon ding kinalaman sa kultura ng pagliligawan tulad ng pagsisibak ng kahoy ng lalaki para sa pamilya ng babae. Ang photoshoot ay ginanap sa gitna ng sakahan na pagmamay-ari umano ni Kuya Max.

Imahe mula sa CJ Castro Photography via Facebook

Sinabi rin ni Caren na labis na natuwa si Liezl sa ginanap na photoshoot sa gitna ng bukirin dahil matagal umano ito sa ibang bansa kaya na-miss niya ang buhay probinsya.

Pagmasdan ang iba pang nakabibighaning photoshoot ng magkasintahan dito: CJ Castro Photograpy


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: