Lumang bahay na naging tambakan ng basura, ginawang private resort na may ‘Instagram-worthy’ na swimming pool

  • Nawalan ng trabaho ang isang lalaki sa gitna ng pandemya, kaya naisipan niyang ipatayo ang pinapangarap na resort
  • Gamit ang lahat ng kaniyang naipon, pinabago ng lalaki ang lumang bahay na naging tambakan na ng basura upang maging private resort
  • Nakamamangha ang naging transformation ng bahay dahil sa loob mismo ay mayroong Instagrammable na swimming pool

Lahat ng tao ay mayroong pinapangarap na bahay o negosyo ngunit hindi lahat ay nakakamit ito. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, kaya mo bang isugal ang lahat ng naipong pera upang ipatayo ang bahay at negosyo na iyong pinapangarap?

Imahe mula kay Perry Dave Espiritu Binuya via Facebook

Ganito ang sinuong ng 31-anyos na si Perry Dave Espiritu Binuya mula Cavite nang mapagdesisyunan niyang gamitin ang lahat ng naipong pera upang gawing private resort ang lumang bahay ng kaniyang namayapang lola.

Kuwento ni Perry, taong 2010 nang mawala ang kaniyang lola, at pagkatapos ay wala nang iba pang tumira sa bahay nito kaya naman naging tambakan na lamang ng basura.

“Napaglumaan na ng panahon. Naging tambakan ng basura and lumang gamit. The family decided to sell it, nung binenta, lalo siya napabayaan,” ani Perry. At dahil naibenta na, naisipan niyang rentahan ito at gawin ang pinapangarap na bahay na mayroong swimming pool sa mismong loob nito.

Imahe mula kay Perry Dave Espiritu Binuya via Facebook

Ibinahagi ni Perry ang mga before and after photos ng pinagawang private resort na mayroong Instagrammable swimming pool area sa mismong loob ng bahay! Sa tabi ng swimming pool ay mayroong lugar kung saan puwede mahiga at manood ng telebisyon. Bukod sa pool ay mayroon ding dining area.

Kasalukuyang walang trabaho si Perry nang magkaroon ng COVID-19 pandemic. Kaya naman nagkaroon siya ng oras upang pagtuunan ng pansin ang pagpapagawa sa private resort na kaniya na umanong magiging main source of income.

Imahe mula kay Perry Dave Espiritu Binuya via Facebook

“Magiging main income ko po since out of job ako now. Parang ang message ko kasi with friends and family, no matter how hard life gets, God will find a way to help you rise,” ani Perry.

Dagdag pa niya, nagastos niya ang ipon na nagkakahalagang P1.7 million para lang mapagawa ang private resort na malapit na niyang buksan sa publiko. Nasa 20 katao ang maaaring manatili sa private resort.

“Nung nabuo ko ito, people around me, friends and family were so happy and proud. Now, sobrang dami gusto mag-book ng resort because of the ambience and also the story behind it,” kuwento ni Perry.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: