Louis Vuitton maglalabas ng face shield na nagkakahalaga ng P47,000

  • Lumabas ang balita na maglulunsad ang luxury brand na Louis Vuitton ng kanilang sariling bersyon ng face shield
  • Ang LV face shield ay maaaring magkahalaga ng $961 o nasa P47,000
  • Ang nasabing face shield ay mayroong elastic monogram strap at built-in transition lens na nagbabago mula clear hanggang dark depende sa sikat ng araw

Mukhang magkakatotoo na ang mga lumalaganap na pekeng face mask na mayroong tatak ng mga luxury brand tulad ng Supreme, Hermes, at Louis Vuitton dahil inanunsyo ng French luxury brand na Louis Vuitton (LV)  na maglalabas na sila ng sariling bersyon ng face shield.

Imahe mula ABS-CBN News via DF Buzz

Mga tindahan ng tela sa Divisoria, nilusob dahil sa reklamo ng Louis Vuitton sa mga ibinibentang LV face masks

Bukod sa pagsusuot ng face mask, inoobliga na rin ang publiko na magsuot ng face shield lalo na kung sasakay sa pampublikong transportasyon at nasa mga pampublikong lugar o gusali.

Tinawag na “eye-catching headpiece, both stylish and protective,” ang LV face shield ay isasapubliko na sa darating na linggo bilang bahagi ng 2021 Cruise collection ng LV.

Ipinasilip na rin ng LV ang hitsura ng face shield, ang disenyo ay tulad rin sa pangkaraniwang face shield ngunit ang headpiece at gilid ng face shield ay nababalutan ng iconic leather na mayroong nakaimprintang logo at Louis Vuitton Monogram.

Imahe mula Louis Vuitoon via Vanity Fair

Ang LV face shield ay mayroong elastic monogram strap at hindi tulad ng mga plastic na shield, ang shield nito ay mayroong built-in transition lens na nagbabago mula sa pagiging clear hanggang dark depende sa lebel ng sikat ng araw.

Hindi na rin kailangang tanggalin ang face shield kapag kinakailangan dahil adjustable ang ito na maaaring itaas ang mismong lens. Dahil sa metikolosong design at features nito, inaasahang aabot sa $961 o nasa P47,000 ang presyo ng nasabing face shield.

Ngayon ay hindi pa opisyal ang magiging presyo nito ngunit inaasahan nang lalabas ang unang batch ng Louis Vuitton face shield sa darating na Oktubre. Hindi naman tiyak kung magbebenta o magiging available ang LV face shields dito sa bansa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: