Lolo na gumamit ng dahon ng saging bilang face shield, alamin ang kaniyang kuwento

  • Viral ngayon online at ibinahagi na ng iba’t ibang news sites ang tungkol sa lolo na gumamit ng dahon ng saging bilang face shield
  • Napiktyuran ng kapulisan ang may edad nang lalaki  sa probinsya ng Isabela habang nagsasagawa sila ng checkpoint
  • Walang pambili ng face shield ang lolo kaya naman binigyan siya ng face mask ng kapulisan

Marami nang Pinoy ang nag-viral online dahil sa paggamit ng mga alternatibong face shield para lang makasunod sa itinakdang panukala sa health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Cauayan City Police Station via Facebook

Bukod kasi sa mandatory na ang pagsusuot ng face mask, kinakailangan na ring magsuot ng face shield ng mga sasakay sa pampublikong transportasyon, pupunta sa pampublikong lugar, at papasok sa loob ng mga gusali o closed space na lugar.

Subalit para sa ilang mahihirap na Pinoy na kinakailangang sumunod sa mga panukala, hindi naman nila kayang makabili ng mga itinakdang face mask at face shield kaya gumagawa na lamang sila ng paraan upang makagawa ng alternatibong face mask at face shield.

Sa mga naging viral na kuwento tungkol sa mga ginawang alternatibong face mask o face shield, ang ilan pa rin dito ay maituturing na maaaring makatulong upang makaiwas sa coronavirus, ngunit kakaiba ang ginawang face shield ng isang lalaki mula sa Isabela — ang face shield kasi na kaniyang ginamit ay gawa lamang sa dahon ng saging.

Imahe mula sa Cauayan City Police Station via Facebook

Nag-viral online ang kuhang litrato ng Cauayan City Police Station habang sila ay nagsasagawa ng checkpoint sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela. Namataan ni PSSg Mark Anthony Ramirez ang lolo na nagbibisikleta habang nakasuot ng dahon ng saging sa mukha.

Halos masira na ang dahon ng saging na nilagyan lamang ng butas sa may matang parte upang siya ay makakita. Nang tanungin kung bakit nakasuot ng dahon ng saging ang lolo ay sinabi nitong wala kasi umano siyang pambili ng face shield.

Hindi naman nagdalawang-isip si PSSG Ramirez at agad na inabutan ng extra face mask ang lalaki upang kahit papaano ay maprotektahan ang sarili sa COVID-19.  Maraming netizens ang nahabag sa kuwento ng lolo na nakasuot ng dahon ng saging bilang face shield at minention na nila ang iba’t ibang programa na maaaring makatulong sa lolo.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: