Life insurance na nagkakahalaga ng P2M kada isa, ibinigay ng SMC sa 5,000 frontliners sa Cebu

  • Inanunsyo ng San Miguel Corporation na kamakailan ay nakumpleto na nila ang pagsasaayos sa pagbibigay ng life insurance para sa mga frontliners sa Cebu
  • Nasa 5,000 medical frontliners ang nabigyan ng life insurance na nagkakahalaga ng P2 milyon kada isa
  • Ang San Miguel Corporation ay isa sa mga nangungunang kompanya na tumutulong sa napakaraming naaapektuhan ng pandemya tulad ng mga frontliners

Isa na sa pinakaimportateng bagay sa panahon ngayon ay ang pagkakaroon ng life insurance. Dahil sinuman sa atin ay posibleng tamaan ng COVID-19, mahalaga nang matiyak na makapag-iiwan ng sapat na tulong pinansyal sa pamilya kung sakaling hindi makaligtas sa coronavirus.

Imahe mula sa Ramon S. Ang Facebook page

Ang mga medical frontliners ang maituturing na pinaka-exposed sa COVID-19 dahil sa larangan ng kanilang trabaho. Kaya naman mahalaga na nababayaran sila nang tama at mayroon din silang sapat at nasa oras na hazard pay—ngunit hindi ito ang kaso sa maraming medical frontliners.

Kaya naman ang mga malalaking kompanya tulad ng San Miguel Corporation (SMC) ay hindi tumitigil upang palawigin pa ang mga nararapat na tulong na kinakailangang matanggap ng mga labis na naaapektuhan ng pandemya tulad ng frontliners.

Kamakailan ay inanunsyo ni SMC President Ramon S. Ang na nakumpleto na nila ang pagbibigay ng life insurance para sa mga medical frontliners ng labingwalong ospital sa buong Cebu.

Imahe mula sa Ramon S. Ang Facebook page

Nasa 5,000 medical frontliners ang nabigyan ng life insurance na nagkakahalagang P2 milyon kada isa.

Ayon kay Ang, inumpisahan nila ang pagbibigay ng insurance sa mga medical frontliners sa Cebu nang lumala ang kaso ng COVID-19 doon noong mga nakaraang buwan.

“Saving lives is still our highest priority. Unfortunately, COVID-19 can affect anyone, even our doctors and nurses. As much as possible, we cannot lose any more lives, especially not our medical frontliners, because they are the ones tasked to save lives. Through this effort, we hope they feel that their everyday sacrifices are valued and appreciated,” ani Ang.

Imahe mula sa San Miguel Corporation Facebook page

Nang magsimula ang COVID-19 pandemic ay hindi na tumigil ang SMC sa paghahatid ng tulong para sa maraming Pinoy na labis na naapektuhan ng krisis. At isa nga sa kanilang layunin ay matulungan ang mga frontliners sa bansa.

“This is to show our deep appreciation and continued support for medical front liners battling the pandemic. Salamat po sa inyo, kayo po ang aming mga bayani,” mensahe ni Ang.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: