Level up your plantita gaming: Idagdag na rin ang paggawa ng malikhaing mini dish garden

  • Simula noong nagka-lockdown ay maraming Pinoy ang natuon ang atensyon sa pag-aalaga ng mga halaman kaya nauso ang salitang “plantita/plantito”
  • Bukod sa pagtatanim at pag-aalaga ng halaman, isang netizen ang nakaisip na gawing malikhain ang dish gardening gamit ang mga simpleng materyales
  • Ayon sa netizen na gumawa nito, bukod sa maganda ito pang-display ay nakare-relax din ang paggawa ng mini dish garden

Isa na rin sa mga maituturing na magandang naidulot ng lockdown sa ating bansa ay ang pagkatuto ng mga Pinoy na pahalagahan ang mga simpleng bagay—tulad ng pag-aalaga sa mga halaman.

Imahe mula kay Loida Grande Garnado via Facebook

Kung noon ang pag-aalaga ng mga halaman ay itinuturing lamang bilang libangan ng mga may edad nang Pinoy, ngayon ay hindi na lamang ito kinahuhumalingan pati ng kabataan kundi pinagkakakitaan na rin ito online.

Nang sumailalim sa community quarantine ang bansa dulot ng COVID-19, maraming Pinoy ang naibaling ang atensyon sa iba’t ibang bagay upang manatiling may pinagkakaabalahan kahit nasa loob lamang ng bahay.

Isa na nga sa mga naging libangan ng Pinoy—kahit anong edad—ay ang paghahalaman. Kaya nauso rin ang salitang “plantita o plantito,” ang tawag sa mga Pinoy na may inaalagaang halaman.

Imahe mula kay Loida Grande Garnado via Facebook

Sa dami ngayon ng itinatanim at inaalagan na halaman ay mayroon namang ibang Pinoy na nagbibigay ng kakaibang “twist” sa kanilang mga alagang halaman. Isa na rito ay ang paggawa ng kakaibang at malikhaing mga paso na pinagtamnan ng halaman.

Para sa netizen na si Loida Grande Garnado mula sa Brgy. San Roque, Anao, Tarlac, hindi na lamang mga kakaibang paso ang nauuso ngayon kundi ang paggawa na rin ng mga malikhaing dish gardening gamit ang mga simpleng materyales.

Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Loida ang ginawang mini dish garden tampok ang kaniyang mga alagang halaman tulad ng cactus. Sa dish garden na ito ay makikita ang mini swimming pool at mini bridge na kalimitang nakikita sa mga garden ng tahanan.

Imahe mula kay Loida Grande Garnado via Facebook

Ayon kay Loida, ang mini dish garden na ito ay gawa lamang sa popsickle sticks, styrofoam naman gawa ang mini swimming pool at mga disenyong mushroom sa paligid, nilagyan niya rin ito ng pebbles at mani.

Kuwento ni Loida, nagustuhan niya umanong gumawa ng mini dish garden dahil nakapagbibigay ito ng relaxation at maganda rin umanong pang-display sa tahanan.

Bakit hindi n’yo rin ito subukan at patunayan ang pagiging certified plantitas o plantitos n’yo?

Narito ang isang video ng Momshie Ideas bilang gabay:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: