Last vlog ni Emman Nimedez, inilabas na sa kanyang YouTube channel

  • Inilabas na sa kanyang YouTube channel ang huling nagawang vlog ng namayapang vlogger na si Emman Nimedez
  • Sa vlog niyang ito ay makikita ang energetic na si Emman na nagbigay ng update tungkol sa kanyang kondisyon at mga pinagdaanan sa ospital
  • Ang huling vlog na ito ay inilabas mahigit isang buwan matapos mamaalam ni Emman

Isa na marahil sa pinaka-ikinagulat ng mga Pinoy at ng vlog community ay ang halos magkasunod na pagkawala ng dalawang tinitingalang vloggers na sina Emman Nimedez at Lloyd Cadena.

Imahe kuha mula sa video ni Emman Nimedez via YouTube channel

Kamakailan ay inilabas sa kanyang YouTube channel ang huling vlog ni Lloyd. At ngayon naman ay mapapanood na rin ang huling video na ginawa ni Emman bago siya namaalam. Ang video na ito ay pinamagatan lamang na “LAST VLOG” at mapapanood sa YouTube channel ni Emman.

Sa videong ito na may habang higit 14 minuto, makikita ang energetic na si Emman habang nasa ospital at nakaharap sa camera. Nagbigay siya ng update sa kanyang mga subscribers tungkol sa kanyang kondisyon at pinagdaraanan.

Kuwento ni Emman, halos isang buwan din siyang hindi nakapag-vlog dahil hindi kinakaya ng kanyang katawan at wala siya sa kondisyon na humarap sa camera. Sinubukan din umano niyang gugulin ang oras kasama ang kanyang mga minamahal sa buhay.

Imahe kuha mula sa video ni Emman Nimedez via YouTube channel

“Ngayon kasi talagang nakatatak na sa isipan ko na bawat araw na dadaan ay talagang blessing lalong-lalo sa akin. Siyempre alam n’yo naman walang kasiguraduhan…” ani Emman.

“Ngayon, napagdesisyunan ko na hindi na ako dapat magsayang ng oras, hindi na ako dapat magsayang ng mga araw na puwedeng ibahagi sa inyo, hangga’t kaya, hangga’t puwede dahil alam n’yo naman… marami pa akong hindi napapakita sa inyo,” mensahe ni Emman sa mga subscribers.

Imahe kuha mula sa video ni Emman Nimedez via YouTube channel

Pabiro pa niyang ipinakita ang kalbong buhok at mga pinagdaraanan sa loob ng ospital. Makikita sa video ang kanyang paglaban sa nararamdaman nang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga mukha. Sa ngayon ay mayroong nang 1.8M views ang kanyang last vlog.

Namaalam si Emman noong August 16 habang nasa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos magkaroon ng kidney failure at komplikasyon sa kanyang dugo.

Panoorin ang kanyang last vlog dito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: