Lalaking nangangailangan ng bisikleta, binilhan ng isang netizen ng mountain bike na nagkakahalaga ng P10,000

  • Nawala ang bisikleta ng isang lalaki mula Tondo na kaniya sanang ginagamit sa hanapbuhay bilang delivery rider
  • Nanawagan ang lalaki sa social media na humihingi ng tulong dahil sa pagkawala ng kaniyang bisikleta
  • Isang lalaki naman ang tumugon sa panawagang ito at binilhan ang delivery rider ng bagong bisikleta na nagkakahalagang P10,000

Hindi maiiwasan — lalo na sa panahon ngayon na maraming naghihirap na Pinoy — na masalisihan at manakawan kahit na kabilang ka rin sa mga Pinoy na gipit na gipit sa panahon ngayon ng pandemya.

Imahe mula Facebook

Doble kayod ang marami ngayon sa atin dahil sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay, kaya ang mga simpleng bagay tulad ng bisikleta ay malaking tulong na sa maraming Pinoy dahil maaari na itong gamitin upang magkaroon ng hanapbuhay.

Ganito kahalaga ang bisikleta para kay Arnulfo A. Ataop Jr. o “Junior” mula sa Barangay 128, Smokey Mountain, Tondo, Manila. Ang bisikleta kasi ang kaniyang ginagamit na pang-hanapbuhay bilang isang delivery rider.

Ngunit sa hindi inaasahang panahon, nakuha ang bisikleta ni Junior ng mga hindi na nakilala pang kawatan. Kaya naman humingi siya ng tulong sa Facebook na sana ay maibalik sa kaniya ang bisikleta dahil ito ang ginagamit niya upang kumita at may maipakain sa mga anak.

Imahe mula kay Jinn Barbatos via Facebook

“Naghahanapbuhay ako para sa pamilya ko umaga, gabi, tapos nanakawin n’yo pa. Maawa naman kayo, nagsisikap ako nang marangal sana ganun din kayo,” ang panawagan ni Junior sa kaniyang post. Humingi rin siya ng kahit magkanong donasyon may pambili lamang ng bagong bike.

Nabasa naman ng netizen na si Jinn Barbatos ang post na ito ni Junior at nahabag sa nangyari sa kaniya. Umaga nabasa ni Jinn ang panawagan ni Junior, at pagsapit ng hapon ay hinanap at sinundo niya ito at saka dinala sa isang bike shop sa Parañaque upang ibili ng brand new mountain bike.

Imahe mula kay Jinn Barbatos via Facebook

Nagkakahalaga ang bike ng P10,000, ngunit mas mura itong nabili ni Jinn dahil kaibigan niya umano ang may-ari bike shop. Lubos naman ang pasasalamat ni Junior na kahit hindi siya personal na kilala ni Jinn ay naging mabilis ang naging pagtugon nito at hindi na nagdalawang-isip pa na tumulong.

Nawa’y pagpalain pa kayo ng marami, Junior at Jinn!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: