JV Ejercito nakasagutan ang isang netizen na nagsabing ‘Plunder’ ang ipangalan sa kaniyang aso

  • Gamit ang kaniyang Twitter account, humingi ng suggestion ang dating senador na si JV Ejercito kung ano ang puwedeng ipangalan sa kanilang mga bagong alagang aso
  • Isang netizen ang nagkomento na ang ipangalan sa aso ay “Plunder” na hindi naging maganda ang dating kay JV
  • Pagkatapos makipagpalitan ng maaanghang na salita ay saka blinock ng dating senator ang nasabing netizen

Halos araw-araw ay punong-puno ng mga isyu at bangayan ang social media dahil na rin sa iba’t ibang pananaw at pinaniniwalaan ng netizens lalo na pagdating sa politika.

Imahe mula Twitter

Ang mga kilalang personalidad kabilang na ang mga politiko ay hindi rin nakaliligtas sa mga hindi magagandang komento at mensahe mula sa netizens na may ayaw sa kanila.

Kamakailan nga ay nagkaroon ng “Twitter war” sa pagitan ng dating senador at San Juan City Mayor JV Ejercito at isang netizen dahil lamang humingi ng suhestiyon ang dating senador ng puwedeng maging pangalan ng kanilang mga bagong alagang aso.

“Meet the newest member of our family! Can you help me give her a name? Our 2 other Corgis’ names are Waffles and Pancakes,” ang tweet ni Ejercito habang kasama sa litrato ang isa sa mga bagong alagang aso.

Imahe mula Twitter

Nagbigay naman ng suhestiyon ang mga netizens ng maaaring ipangalan sa mga cute na Corgis, ngunit isang komento ang hindi napigilang bigyan ng reply ng dating senador.

Sinabi ng Twitter account na si Mac Zamora na “Plunder” na lamang ang ibigay na pangalan sa mga aso. Nireplyan naman ito ni Ejercito ng “Trying to be funny? That doesn’t apply to me.”

Dito na nag-umpisa ang mga maaanghang na palitan ng mensahe sa pagitan nina Ejercito at Mac na naging politika na ang naging topic.  Hanggang sa blinocked na ng senator ang account ni Mac sa Twitter dahil sa hindi na umano “healthy discussions or debates” ang nangyayari.

Imahe mula Twitter

Sinabi rin ni Ejercito na huwag malito sa pagitan niya at ng kaniyang half-brother at former lawmaker na si Jinggoy Estrada na ngayon ay humaharap sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot nito sa pork barrel scam.

“Hope next time be responsible to verify and do your research. Hindi maganda ang nananinira nang basta. Hindi ako ang tinutukoy ninyong magnanakaw. Malinis ang pangalanng JV Ejercito,” ang tweet ng dating senador at anak ni former President Joseph “Erap” Estrada na nakasuhan din ng plunder noong 2007.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: