Jose Mari Chan: ‘There’s only one king of Christmas… that’s baby Jesus’

  • Ngayong umpisa ng “ber” month ay naglipana na ang mga “Jose Mari Chan memes” habang ito ay kumakanta ng mga Christmas songs
  • Tinawag na “Mr. Christmas” dahil sa mga kanta tungkol sa Pasko, nilinaw ni Jose Mari Chan na siya ay isa lamang “little drummer boy”
  • Ang nag-iisa lang na “Mr. Christmas”, ayon sa musician, ay si Jesus Christ

Naglipana na sa social media ang mukha at mga kanta ng isa sa mga tinitingalang musicians dito sa bansa, si Mr. Jose Mari Chan. Ngayong umpisa na ang “ber” month, tiyak na lagi na nating mapakikinggan ang Christmas playlist ng mga kanta ni Jose Mari.

Imahe mula Instagram

Ang dating panukso lang ng mga netizen ay nagkatotoo — hindi natin namamalayan ay nagdaan na ang mahigit anim na buwan at inabot na ng community quarantine sa bansa ang mga Christmas songs ni Jose Mari Chan.

Ngunit hindi tulad ng “ber” month noong mga nakaraang taon, ngayong taon ay mayroong iniinda ang buong mundo. Ito ay ang COVID-19 pandemic na nagbago sa pamumuhay ng lahat ng tao. Ganito man ang nangyari, hindi pa rin napigilan ng virus ang pagtugtog ng mga Christmas songs lalo na ang mga kanta ni Jose Mari.

September ang unang “ber” month ng taon, at kahit tatlong buwan pa bago ang Christmas season, para sa ating mga Pinoy ay September ang umpisa upang makaramdam ng Christmas presence.

Imahe mula Instagram

Isa sa mga paraan upang maramdaman na ang Christmas season ay ang pakikinig at pagtugtog ng Christmas songs. Tinawag na nga ang batikang musician na si Jose Mari Chan bilang “Mr. Christmas” dahil sa dami ng mga kanta niya patungkol sa Pasko.

Bagama’t natutuwa, hindi naman sumasang-ayon si Jose Mari na tawagin siyang “Mr. Christmas.”

“I’m flattered, but I don’t want them to call me Mr. Christmas because there’s only one king of Christmas—that’s Baby Jesus,” ani ng batikang musician.

Imahe mula Instagram

Imbes na “Mr. Christmas,” tawagin na lang umano siyang little drummer boy. “Let me be called the Little Drummer Boy that heralds the season, Christmas is coming,” pahayag ni Jose Mari.

Humiling si Jose Mari na huwag siyang itrato bilang Christmas icon dahil mas gusto niya umanong isulong ang Original Pilipino Music sa mga nagawa niyang kanta patungkol sa Pasko.

Ayon din kay Jose Mari, wala na siyang planong maglabas pa ng bagong Christmas album. “This is probably the second and my last Christmas album because what else can you say about Christmas? I’ve said it all and so it will just be repetitive, redundant.”


Loading...
Source :

GMA , GMA

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: