Ivana Alawi tinupad ang huling hamon sa kaniya ni Lloyd Cadena; ang kikitain sa vlog ibibigay sa pamilya ni LC

  • Sa kaniyang pinakahuling nagawang vlog, hinamon ng namayapang vlogger na si Lloyd Cadena ang kilala ring vlogger na si Ivana Alawi na mag-carwash ng bus
  • Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglaan ang pagkawala ni “Kween LC” nito lamang linggo na ikinagulat ng buong online community
  • Hindi nalimot ni Ivana ang hamon kaya ginawa niya pa rin ang challenge at ang kikitain sa vlog na iyon ay ibibigay niya sa pamilya ng namayapang si LC

Buong online community ang nagluksa sa pagkawala ng isa sa mga pinakaunang nakilalang vlogger at YouTuber na si Lloyd Cadena o kilala din sa tawag na “Kween LC.”

Imahe kuha mula sa video ni Lloyd Cadena via YouTube channel

Ginulat ang marami sa Facebook post ng page Lloyd Cadena na nagsasabing pumanaw na nga ang 26-anyos na social media influencer. Maraming netizens, vloggers, at YouTubers ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay at maski ang international singer na si Maria Carey, na iniidolo ni LC, ay nakiramay din sa pagkawala nito.

Ang pinakahuling ginawang vlog ni Kween LC na may pamagat na “Extreme carwash girls for a day (Swimsuit pa more!!!)” ay inupload noon lamang nakaraang August 28. Sa videong ito ay kasama niya ang mga YouTubers din na kaibigan habang sinusubukan nilang mag-carwash ng Fortuner na sasakyan.

Sa unang parte ng video ay hinamon ni LC ang kapuwa YouTuber at aktres na si Ivana Alawi na bus naman umano ang kanilang i-carwash. “Hinahamon ka namin Ivana Alawi, maglinis tayo ng bus!” ang nabanggit ni LC sa kaniyang pinakahuling video.

Imahe kuha mula sa video ni Lloyd Cadena via YouTube channel

At kahit wala na si LC, tinuloy pa rin ni Ivana ang hamon sa kaniya at nag-carwash nga siya ng bus.

“Nakakalungkot man at hindi natin magagawa nang magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito,” ani Ivana sa kaniyang Facebook post.

Imahe kuha mula sa video ni Lloyd Cadena via YouTube channel

Dagdag pa ni Ivana, ang kikitain ng kaniyang vlog habang nagka-carwash ng bus ay kaniyang ibibigay sa naiwang pamilya ni LC. “para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.”

“Hindi pa kita nami-meet personally or naka-collab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napasaya, nainspire,” ani Ivana.

Samantala, narito naman ang tugon ni Ivana kay Lloyd at kasama na rin ang pakiusap na huwag mag-skip ng ads para sa pamilya ni Kween LC:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: