‘Ito ang panahon para ipaalam na tumutulong ka’: Kuya Wil may mensahe sa mga bashers ng kaniyang pagtulong

  • Sa programang Wowowin ay marami na ang natulungan at matutulungan pang mahihirap na Pinoy ng host na si Willie Revillame
  • Nagbigay ng mensahe si Kuya Wil sa mga kritiko na pumupuna sa kaniyang pagtulong na ipinapaalam pa niya sa telebisyon
  • Ayon sa Wowowin host, ang pagtulong sa kapwa ay kinakailangang ipaalam lalo na sa panahon ngayon upang malaman na natatanggap mismo ang mga tulong

Isa ang programang Wowowin sa GMA Network sa mga tinututukan sa telebisyon ng sambayanang Pinoy dahil bukod sa naibibigay nitong entertainment ay lagi rin itong namimigay ng mga papremyo tulad ng salapi at marami pang iba.

Imahe mula Wowowin via Facebook

Bukod sa salapi ay nagbibigay din ng personal niyang tulong ang host na si Willie Revillame o mas kilala sa tawag na Kuya Wil. Hindi na mabilang ang mga natulungan ng Wowowin host; hindi lang sa programa niya ngayon kundi maski na rin sa mga nakaraan niyang programa ay marami na rin siyang naipamahaging tulong sa mga kapuspalad na Pinoy.

Mayroon namang mga kritiko ni Kuya Wil ang napapataas ang kilay sa ginagawang kabutihan at pagtulong ng host dahil ipinapakita pa umano niya ito at ipinapaalam sa telebisyon.

May mensahe naman si Kuya Wil sa mga pumupuna sa kaniyang pagtulong na napapanood sa telebisyon,

“Kahit pa sabihin nilang wala na ‘kong class dahil tumutulong ako, pinapakita ko pa.  Hindi ko na po pinapansin ‘yung mga sinasabi n’yo basta kahit mawalan na ko ng class makatulong lang ako, okay na. Tumulong ka na mawawalan ka pa ng class?” ani Kuya Wil.

Imahe mula Wowowin via Facebook

Dagdag pa niya, sa panahon ngayon ay kinakailangang ipakita at ipaalam sa publiko ang pagtulong sa kapwa upang matiyak na ito ay natatanggap mismo ng mga natutulungan.

“’Yung pagtulong sa kapwa dapat ipaalam mo. Hindi na uso ‘yung humble ka lang. Ito ang panahon para malaman ninyo na tumutulong ka. Alam n’yo kung bakit? Para alam mo na natatanggap nila ang tulong mo,” ani Wowowin host.

Imahe mula Wowowin via Facebook

Kaya naman, hindi umano magsasawang tumulong si Kuya Wil na kamakailan lang ay nag-pledge na rin na magbibigay ng P5 million sa mga kapuspalad na Pinoy.

“Hindi po ito sa pagbubuhat ng bangko, I think sa industriya ako lang ang may show na live, P5 million ngayon and I think next month P5 million ulit sa mga taong totoong nangangailangan. Kung kaya ko ng monthly ito, sasabihin ko kay secretary,” ang sabi ng Wowowin host.


Loading...
Source :

YouTube, Philstar

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: