Itinatayong coffee shop sa likod ng Kartilya ng Katipunan, ibinida ni Mayor Isko

  • Isa ang Kartilya ng Katipunan o Bonifacio Shrine sa mga makasaysayang lugar sa Maynila
  • Sa pagdaan ng panahon ay napabayaan ang lugar ng Kartilya ng Katipunan at kalaunan ay ginawa nang pampublikong palikuran
  • Isa ang Kartilya ng Katipunan sa pinalinis ni Mayor Isko Moreno at ngayon ay malapit na ring magbukas ang coffee shop na nasa likod nito

Nasubukan mo na bang pumunta at mamasyal sa Bonifacio Shrine o Kartilya ng Katipunan na matatagpuan sa Ermita, Manila?

Ito ay isang pampublikong plaza na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Manila City Hall at timog naman ng Mehan Garden at Liwasang Bonifacio.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno via Facebook

Makasaysayan mang lugar na maituturing ang Kartilya ng Katipunan Park, muntik na rin itong matabunan ng pagkalimot dahil sa pagkakapabaya sa lugar sa pagdaan ng panahon.

Upang maibalik ang ayos at importansya ng Kartilya ng Katipunan, isa ito sa mga unang ipinalinis ni Manila City Mayor Isko Moreno nang siya’y maupo sa katungkulan. Bukod sa Kartilya ng Katipunan ay marami pang pinalinis at pinaayos ang alkalde sa lungsod na muling nagpabalik ng katuwaan ng mga Pinoy at kaayusan sa kapaligiran.

Palaging nagbibigay ng kaniyang update sa kaniyang FB page si Mayor Isko sa mga nagawa, ginagawa, at gagawing proyekto sa buong lungsod. At kamakailan nga ay maraming Pinoy coffee lovers ang mas lalong natuwa sa naging anunsyo ni Yorme.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno via Facebook

Ang dating “kapitolyo” ay magiging “KAPEtolyo” na rin dahil malapit nang magbukas ang itinayong coffee shop sa likod ng Kartilya ng Katipunan. “Brewing soon,” ani sa post ng Isko Moreno Domagoso Facebook page.

Matatandaan na sa tagal na hindi natuunan ng pansin ang Kartilya ng Katipunan ay napabayaan na ito at ginawa na lamang pampublikong palikuran.

Imahe mula sa Department of Tourism, Culture and Arts of Manila via Facebook

Marami namang netizens ang nagalak sa balitang ito ni Mayor Isko.

“Panalo, mayor. Sobrang ganda! Salamat po sa patuloy na pagpapaunlad,  pagpapaganda at pagmamahal sa bayan,” ani ng isang nagkomento.

Habang may nakapagsabi naman na mapalad ngayon ang kabataang taga-Maynila dahil naabutan nila ang isang masipag at may malasakit na lider tulad ni Mayor Isko.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: