Heart Evangelista ibinida ang isang college library sa Sorsogon na may ‘K-drama feels’

  • Ipinasilip ni Heart Evangelista ang malapit nang matapos na college library sa Sorsogon kung saan gobernador ang kaniyang asawa na si Chiz Escudero
  • Maraming netizen ang namangha sa hitsura at lawak ng lugar na mayroong dalawang palapag at mga nakapalibot na libro
  • Ayon sa mga netizen, ang library na ito ay maihahalintulad sa mga Korean library na napapanood sa K-dramas

Ang library ay itinuturing na “haven” ng mga mahihilig sa libro, bukod kasi sa dami ng mga pagpipiliang libro na maaaring basahin dito ay tahimik din ang lugar na nakapagbibigay konsentrasyon sa mga mambabasa.

Imahe mula Twitter

Dito sa bansa, ang National Library of the Philippines ang maituturing na pinakamalaki at malawak na library dito sa bansa na naglalaman ng iba’t ibang libro, dokumento, nailathalang mga gawa, at marami pang iba.

Bukod sa National Library, mayroon ding matatagpuang library sa iba’t ibang paaralan at unibersidad kung saan pumupunta ang mga estudyante sa tuwing may hahanaping kinakailangang libro o lathala.

Hindi lamang lugar kung saan maaaring makahanap ng educational resource materials ang library kundi pinupuntahan din ito ng mga estudyante kapag nais nilang mapag-isa upang magbasa ng libro habang vacant time o kaya ay mag-review para sa darating na pagsusulit.

Imahe mula Twitter

Ang kahalagahan ng library sa pag-aaral kasama na ang napapanood sa mga kinahuhumalingan na Korean dramas ang ipinamamalas na “vibe” ng bagong library na matatagpuan sa Sorsogon.

Sa kaniyang official Twitter account ay ibinida at ipinasilip ng aktres na si Heart Evangelista ang malapit nang matapos na library ng Sorsogon State College kung saan gobernador ang kaniyang asawa na si Francis “Chiz” Escudero.

Labis na namangha ang mga netizen dahil sa ganda ng library na animo katulad sa mga napapanood sa Korean series tulad ng katatapos lang na It’s Okay To Not Be Okay kung saan ginanap ang book signing ni Ko Moon Young (Seo Ye Ji).

Imahe mula Twitter

May mga netizens na nagsabing mayroon umanong “K-drama feels” ang nasabing library na may dalawang palapag at pabilog din ang pagkakagawa. Sa gitna ng library ay nakapaikot ang mga upuan at sa bawat dingding ay nakapaikot din ang mga libro na nasa bookshelves.

Bukod sa bagong library ay malapit na rin umanong tawaging “university” ang Sorsogon State College, ani Heart. “My husband authored the law so converting it. Just complying with some CHED requirements.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: