Guro nangongolekta ng mga lumang TV upang ipamigay sa estudyante para sa home schooling

  • Kabilang ang bansang Mexico sa mga hindi pa magbubukas ang mga paaralan dahil sa banta ng COVID-19 pandemic
  • Isang paraan upang maipagpatuloy ang home schooling sa Mexico ay sa pamamagitan ng online classes at paggamit ng radyo at telebisyon
  • Isang guro ang humingi at nangolekta ng mga lumang TV at saka ito ipinamahagi sa mga estudyante para mayroon silang magamit sa home schooling

Hindi rin nakaligtas ang bansang Mexico sa hagupit ng COVID-19 pandemic. Sa kasalukuyan ay tinatayang mahigit 640,000 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa.

Imahe kuha mula sa video ng Agence France-Press via Twitter

Kaya naman tulad dito sa Pilipinas, hindi pa rin pinapayagan sa Mexico ang face-to-face learning. Upang mapagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante, magkakaroon ng iba’t ibang paraan ng home schooling tulad ng online classes at paggamit ng radyo at telebisyon.

Subalit katulad ng hinaharap na problema ng maraming guro, estudyante, at kanilang mga magulang dito sa bansa, hindi rin lahat ng pamilya sa Mexico ay kayang maibigay ang home schooling sa kanilang mga anak. Dahil hindi kaya ng ibang pamilya ang paglahok sa online classes, pinili ng marami ang sistema ng pagtuturo sa pamamagitan ng telebisyon.

Ngunit hindi rin lahat ng pamilya ay mayroong telebisyon sa kanilang mga bahay. Kaya naman isang guro mula sa Veracruz, Mexico ang nanawagan ng donasyon ng mga lumang telebisyon na kaniyang ipamamahagi sa mga estudyante upang sila ay makapag-aral.

Imahe kuha mula sa video ng Agence France-Press via Twitter

Kung dito sa ating bansa ay laptop at cellphones ang madalas na ibigay na donasyon sa mga mag-aaaral, mga luma at hindi nagagamit na TV naman ang hinihingi ng gurong si Eliana Montiel.

“What I always try to do is to ensure that no student is left behind, that everyone advances, each according to his or her own pace of learning, but that no one is left behind, and even less so because of economic circumstances when we can find a way to support them and we are able to do it,” ani Eliana sa ulat ng Agence France-Press.

Imahe kuha mula sa video ng Agence France-Press via Twitter

Marami namang mamamayan ang tumugon sa panawagan ni Eliana na mag-donate ng TV, at siya rin mismo ang personal na nagbubuhat at naghahatid ng mga ibinigay na TV sa bahay ng mga estudyante.

Saludo kami sa mga guro sa iba’t ibang panig ng mundo na hindi tumitigil hangga’t hindi naibibigay ang nararapat na edukasyon para sa mga estudyante kahit mayroong kinahaharap na pandemya!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: