Guro nakaisip ng paraan upang kahit paano ay maibsan ang pagka-miss sa mga estudyante

  • Isang guro mula sa Cebu ang kasalukuyang gumagawa ng mga module na ibibigay sa kanilang mga estudyante bilang bahagi ng kanilang modular distance learning
  • Habang nasa loob ng classroom at gumagawa ng mga aralin ay nais pa rin maramdaman ng guro ang presensya ng mga estudyante
  • Kaya naman gumupit siya ng mga life-size na larawan ng kaniyang estudyante at saka ito idinikit sa mga upuan

Ang tradisyonal na paraan ng pagtuturo ay ginagawa habang ang mga estudyante ay nakaupo sa kanilang kaniya-kaniyang upuan sa loob ng silid-aralan habang tahimik at nakatuon ang pansin sa guro na nasa harapan.

Imahe mula PNA

Ang guro naman na nasa harapan na nagtuturo ng paksa ay gumagamit ng blackboard o white board, at iba pang educational materials upang mas maintindihan ng klase ang kanilang pinag-aaralan.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay nagbago ang buong sitwasyon sa sistema ng edukasyon.

Kung dati ay napupuno ng mga estudyante sa iba’t ibang grado ang paaralan at silid-aralan, ngayon ay ang tahanan ang magsisilbi nang literal na silid-aralan ng mga estudyante.

Imahe mula PNA

Noon ay nakaupo sa kanilang mga silya at nakaharap sa kanilang guro ang mga estudyante, ngayon ay nakaupo na lang sila sa normal na upuan habang nakaharap sa laptop, tablet, o cellphone.

Nakikita at nakakausap pa naman ng mga estudyante ang kanilang guro ngunit via video conference app na lamang o ‘di kaya pinapanood ang mga video nila habang nagtuturo ng paksa.

Imahe mula kay Pinky Donire via CDN Facebook page

Nakaramdam ng kalungkutan habang nasa loob ng kanilang silid-aralan ang isang guro mula sa baryo ng Poro  sa Camotes Island, Cebu. Sa ulat ng Cebu Daily News, habang gumagawa ng module ay nakaisip ang guro ng isang paraan upang kahit papaano ay maramdaman pa rin niya ang presensya ng mga estudyante upang magkaroon ng inspirasyon.

Kaya naman nag-print ang gurong si Pinky Donire ng mga life-size na picture ng kaniyang mga estudyante at saka ito dinikit sa kani-kanilang upuan. Ito umano ay upang maramdaman pa rin niya na “present” ang kaniyang mga estudyante kahit na sa modular distance learning.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: