Ginagawang bike lane sa Iloilo City, ibinida online

  • Bilang bahagi ng new normal, marami nang Pinoy ang gumagamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon
  • Kaya maraming lugar sa Pilipinas lalo na sa Manila ang naglalagay ng bike lane upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagbibisikleta habang nasa daan o highway
  • Ibinida online ang kasalukuyang pinipintahan na bike lane sa Iloilo City na kulay berde ang linya upang madaling makita at masundan

Hindi na lamang mga sasakyan o motorsiklo ang makikita na dumadaan sa mga high way o main road dahil maski mga bisikleta ay makikita na rin dito. Bilang bahagi ng new normal sa gitna ng COVID-19 pandemic, maraming Pinoy ang gumamit na lamang ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon lalo na at limitado lamang ang mga pampublikong transportasyon.

Iloilo City Engineer’s Office Facebook Page

Ngunit marami mang benepisyo ang pagbibisikleta, hindi naman naging maganda ang naging tadhana ng ilang mga Pinoy na hindi nakaligtas sa aksidente habang sila ay nabibisikleta sa daan.

Dahil sa mga nangyayaring hindi maganda para sa mga biker na nasa daan kasabay ng mga malalaking sasakyan, isinusulong ng mga local government units sa buong bansa ang pagtatalaga ng bike lane para na rin sa kaligtasan na mga Pinoy na nagbibisikleta.

Bukod sa EDSA na pangunahing daan ng mga sasakyan sa Manila, nagkaroon na rin ng bike lane sa lungsod ng Iloilo na ibinahagi ang mga litrato sa social media ng Iloilo City Engineer’s Office Facebook Page.

Iloilo City Engineer’s Office Facebook Page

Hindi pa tapos ang bike lane sa Iloilo at kasalukuyan pa rin itong pinipintahan ng berde sa gilid ng lansangan. Kapag natapos, ito na ang susundang linya ng mga nagbibisikleta sa lungsod upang makaiwas na rin sa anumang hindi magandang pangyayari.  Ang nasabing bike lane ay nasa kahabaan ng General Luna Street , Iloilo City.

Marami namang netizens ang humanga sa ginagawang bike lane sa lungsod ng Iloilo. “Looks good. I hope there is a budget for this every year for repairs and re-painting. And of course proper enforcement,” ayon sa isang nag-iwan ng komento.

Habang mayroon namang mga netizens ang hindi sang-ayon sa pagkakaroon ng bike lane lalo na sa national road dahil na rin sa pangamba para sa kaligtasan ng mga rider.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: