Gaganap na Bruce Wayne sa bagong ‘Batman’ movie na si Robert Pattinson, nagpositibo sa COVID-19

  • Unang sinabi ng Warner Bros., kilalang Hollywood production company, na mayroong nagpositibo sa COVID-19 na artista mula sa ginagawang bagong The Batman movie
  • Ang nagpositibong ito ay si Robert Pattinson, ang aktor na mismong gumaganap bilang Bryce Wayne at Batman
  • Pansamantalang pinahinto ang production ng pelikula sa United Kingdom

Ngayong mayroong pandemya at nakararanas ang maraming tao ng krisis, mapapabanggit ka pa ba ng “bahala na si Batman” kung pati si Batman ay dinapuan na rin ng coronavirus?

Imahe mula Instagram / @robertpattinsonofficial

Maraming fans ang nagulat at nalungkot sa lumabas na balita na nagpositibo sa COVID-19 ang British actor na si Robert Pattinson. Si Pattinson ang kasalukuyang gumaganap sa karakter ni Bruce Wayne o Batman sa pinakabagong ginagawang pelikula ng “The Batman.”

Una nang sinabi ng Warner Bros., ang Hollywood production sa likod ng bagong Batman movie, na mayroon ngang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang production crew.

“A member of ‘The Batman’ production has tested positive for COVID-19, and is isolating in accordance with established protocols. Filming is temporarily paused,” hindi man nila tinukoy kung sino ang nagpositibo sa coronavirus ay isa namang “highly placed source” ang nagsabi sa Vanity Fair na ang nagpositibo ay si Pattinson.

Imahe mula Instagram / @robertpattinsonofficial

Dahil nagkaroon ng positibong kaso ng coronavirus, pansamantala munang itinigil ang production ng “The Batman” movie sa United Kingdom. Ito na ang pangalawang pagkakataon na ito’y napatigil; una na noong Marso nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ngayon ay wala pa ring panayam ang ibinibigay ng panig ng 34-anyos na si Pattinson tungkol sa balitang ito.

Ang bagong Batman movie ay inaasahang maipapalabas sa taong 2021. Ayon sa direktor nito na si Matt Reeves, magiging kakaiba ang kuwento sa pelikulang ito dahil susubukan ni Bruce Wayne na lutasin ang mga kaso na nakapaligid sa kaniya.

“He’s trying to figure out what he can do to finally change this place. You see that he’s charting what he’s doing, and he’s seeing he isn’t having any of the effect that he wants to have yet,” ani Reeves sa isang panayam.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: