Former “The Voice Kids” champion Elha Nympha, mayroon nang nobyo

  • Kamakailan ay nagkaroon na rin ng sarili niyang Instagram account ang Season 2 The Voice Kids champion na si Elha Nympha
  • Karaniwan sa mga IG post ng singer ay kaniyang selfie o solo pic, ngunit isang litrato ang nakaagaw pansin sa mga netizens
  • Wala mang opisyal na pahayag ay nobyo ngayon ni Elha ang Star Music artist na si Brian Gazmen na tinawag siyang “baby”

Walang Pinoy ang hindi nakakakilala sa mga naging finalists ng programang “The Voice Kids Philippines” ng ABS-CBN. Mula taong 2014 hanggang 2019, nagkaroon na ng apat na season ang The Voice Kids na talaga namang tinutukan ng sambayanang Pinoy.

Imahe mula kay Zephanie via Instagram

Lumaki sa mga mata ng Pinoy ang mga naging finalists ng unang season ng The Voice Kids na sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, Juan Carlos Labajo, Elha Nympha, Esang de Torres, at Sassa Dagdag.

Ngunit mas lalong napabanggit ng “feel old yet?” at “sana all” ang mga netizens nang madiskubreng mayroon nang nobyo ang dating sampung taong gulang pa lamang na si Elha Nympha noong nanalo siyang champion sa The Voice Kids Season 2.

Ngayon, ang 16-anyos na si Elha ay miyembro na ng girl group na J.E.Z. kasama ang mga kampeonato rin sa kantahan na sina Janine Berdin at Zaphanie Dimaranan.

Imahe mula Instagram

Ang dating maliit at chubby na batang biritera ay dalaga na ngayon — at mayroon na ring nobyo! Wala mang ibinigay na opisyal na pahayag mula kay Elha ay hindi naman maipagkakaila ang ka-sweetan nila ng kaniyang karelasyon na isa ring singer.

Sa kaniyang Instagram account na kagagawa pa lamang nitong taon ay may ibinahaging litrato si Elha na naka-mention ang Star Music artist na si Brian Gazmen.

Imahe mula Instagram

“I used my man’s shirt UGGHHH. Surprise @brian_gazmen” ang caption ng season 2 The Voice Kids champ. Nag-iwan naman ng reply si Brian na tinawag si Elha na “baby.” “I love you so much baby. You are the best.”

Wala pa mang litrato ni Brian ang ibinabahagi ni Elha sa kaniyang IG account, mayroon namang mga litrato si Elha na makikita sa IG account ni Brian na naglagay pa ng napakahabang message: “Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend.”

That’s it! Dalaga na siya.

Let’s look back at her 2015 video:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: