Filipina transgender kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Trans Global

  • Isang Filipina transgender ang kamakailan ay kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Trans Global
  • Bukod sa nakuhang korona, natanggap din niya ang iba’t ibang awards tulad ng “Eloquent Queen of the Year,” “Super Model of the Year,” at “Glam Beauty of the Year”
  • Labis ang naging pasasalamat ng trans Pinay dahil nabigyan niya ng karangalan ang bansa

Sa gitna ng banta ng Corona, hindi tayo nagpaawat na sungkitin at iuwi ang tunay na korona,” ito ang mga katagang ibinahagi ni Mela Franco Habijan, ang kinoronahang kauna-unahang Miss Trans Global 2020.

Imahe mula kay Mela Habijan via Instagram

Katatapos lamang ng coronation night ng Miss Trans Global 2020, isang online pageant na naganap via live stream sa YouTube. Ang naging representative ng Pilipinas ay si Mela Franco Habijan, isang aktres, LGBTQ advocate, vlogger, entrepreneur, at writer.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Mela ang kagalakan sa nabingwit na tagumpay kahit nasa gitna ngayon ng pandemya.

“I really wanted to make every Filipino proud and be worthy of carrying our flag. Having this motivation made me put my heart and soul to every single challenge,” ani Mela.

Kahit mahirap ang kompetisyon dahil ito ay isang online pageant sa gitna ng pandemya, hindi umano nawala ang alab sa puso ni Mela na masungkit ang trono.

Imahe mula kay Mela Habijan via Instagram

“This is truly a defining moment in my life—a childhood dream that came true, a celebration of my truth, a testament of the love and acceptance that I get from the world, and my little way of honoring the life and dignity of Jennifer Laude and other trans Pinays ridiculed and oppressed by the society,” ang makabuluhang mensahe ni Miss Trans Global 2020.

Bukod sa nakuhang korona, nabinggwit din ni Mela ang ilang awards tulad ng “Glam Beauty of The Year,” “Eloquent Queen of The Year,” at “Super Model of The Year.”

Ang mga naging runner-up naman ay sina Rebeckah Loveday ng Australia (1st runner-up), Veso Golden ng Ghana (2nd runner-up),  Semakaleng Sma Mothapo ng South Africa (3rd runner-up), at Danielly Drugge ng Sweden (4th runner-up).

Imahe mula kay Mela Habijan via Instagram

Bilang Miss Trans Global, si Mela ang magiging spokesperson ng kanilang komunidad sa buong mundo, at ito ay gagawin niya digitally habang mayroon pang banta ng COVID-19.

“Mabuhay tayo, Pilipinas! Patuloy nating itataas ang ating bandera!” ani Mela sa kaniyang post. Congratulations!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: