Estudyanteng self-supporting sa pag-aaral, nagtitinda ng samu’t sari sa daan

  • Isa na sa mga labis na naapektuhan ng kasalukuyang pandemya ay ang mga estudyante
  • Bukod sa iba ang magiging sistema ng new normal ng edukasyon, marami rin sa kanila ang nawalan ng kabuhayan ang pamilya dahil na rin sa krisis
  • Upang masuportahan ang pag-aaral, nagtitinda ng samu’t saring pagkain ang isang estudyante imbes na mamalimos

Nawalan ng trabaho ang mga magulang, walang pagkukunan ng pera para maipagpatuloy pa ang pag-aaral lalo na at kinakailangan ngayon ng mga gadget para sa blended learning — ganito ang sitwasyon ngayon ng maraming pamilyang Pinoy na labis na naapektuhan ng pandemya.

Imahe mula kay Bernadette Reyes via Facebook

Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, paano na kung walang ibang tutulong sa kanila para makamit ang mga pinapangarap? Sino na lamang ang aasahan nila lalo na sa panahon ngayon ng krisis?

Para sa incoming grade 12 student na si Rey Pahimnayan, mahalaga na maniwala na lamang at magsikap sa sarili upang maipagpatuloy ang pag-aaral at sa tamang panahon ay makamit ang mga pangarap.

Isa si Rey sa mga tinatawag na “self-supporting students”. Ibig sabihin ay siya ang nagpapaaral sa sarili sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang paraan upang kumita.

Imahe mula kay Bernadette Reyes via Facebook

At ngayon ngang mayroong pandemya, hindi tumigil si Rey sa pagsuporta sa kaniyang pag-aaral. Kasalukuyan siyang nagtitinda ng samu’t saring pagkain sa labas ng isang fast food store sa Quezon City para may pantustos sa pag aaral.

Kuwento ni Rey, imbes na mamalimos ay ang pagtitinda ang naisip niyang paraan upang may pambili ng pagkain araw-araw at makapag-ipon din pambili ng gadget na gagamitin niya sa darating na pasukan.

Imahe mula kay Bernadette Reyes via Facebook

Nasa gilid ng kalsada at nakasuot ng face mask at face shield, hawak-hawak ni Rey ang mga paninda kasama na ang karatulang may nakasulat na: Good day! Ma’am/Sir, I’m Rey self supporting student. Please buy my special products to support my online class and daily needs. Thank you po and God bless you.”

Maraming netizen ang humanga sa kasipagan ni Rey na kabilang sa maraming estudyante ngayon na nagsisikap gumawa ng paraan upang makalikom ng donasyon para sa kanilang pag-aaral.

Harinawa, dahil sa pagbabahagi ni Kapuso Bernadette Reyes ng iyong kuwento sa social media ay matanggap mo ang assistance na makatutulong sa iyong pag-aaral. Keep the faith!

Saludo kami sa iyo, Rey!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: