‘Drive-in mass ceremony,’ ginaganap sa Tacloban City

  • Isang simbahan sa Tacloban City ang nakikiuso sa new normal upang maiwasan na rin ang hawaan ng COVID-19
  • Nagkakaroon kasi ng “drive-in mass” ang nasabing simbahan na nilalahukan ng mga sasakyan habang nakatayo sa harap ang pare na nagmimisa
  • Ayon sa kanilang parish priest, ito ang bagong evangelization¬† na naglalayong paglingkuran ang mga anak ng Maykapal sa kahit na anong sitwasyon o lugar

Noon pa man bago nagkaroon ng COVID-19 pandemic ay nauuso na sa ibang bansa ang “drive-in cinema” kung saan ay sama-samang at hile-hilerang naka-park ang mga sasakyan sa harap ng isang malaking screen. Dito ipinapalabas ang pelikula habang ang mga manonood ay nasa loob o kaya ay nasa labas ng sasakyan.

Imahe mula sa SM Cinema

Kamakailan ay in-adopt na rin ng SM ang pagkakaroon ng drive-in cinema na naaayon ngayong new normal at bilang pag-iwas sa paglaganap ng coronavirus. Dahil hindi maaaring lumabas, ang mga movie goers sa SM drive-in cinema ay kinakailangang buksan ang kanilang FM radio at pumunta sa tiyak na istasyon upang marinig ang audio ng pinapalabas na pelikula.

Drive-in cinema bubuksan sa SM Mall of Asia

At dahil limitado pa rin ang mass gathering, naisipan ng isang simbahan sa Tacloban City na gayahin na rin ang drive-in cinema at magkaroon ng kanilang sariling bersyon ng “drive-in mass.”

Ibinahagi ng St. Jose Maria Escriva Mission Station Apitong Facebook page ang litrato ng kanilang ginaganap na drive-in mass sa Brgy. Apitong, Tacloban City. Hindi tulad ng mga pumupunta sa drive-in cinema na kinakailangang bukas ang kanilang radyo, nakabukas lang ang bintana ng mga sasakyan na dumalo sa drive-in mass.

Imahe mula sa St. Jose Maria Escriva Mission Station Apitong Facebook page

Habang nakahilerang naka-park ang mga sasakyan ay nasa taas naman ng tila entablado ang pari. Pinapayagan din naman ang iba na magsimba mismo sa loob ng simbahan ngunit limitado lamang ang dami ng maaaring pumasok. Nasa ilalim ng general community quaranting ang lungsod ng Tacloban hanggang sa huling araw ng Setyembre.

“This is the new evangelization that the church has been calling us to do: to be able to serve the people of God in the best place possible,” ani Fr. Kim Margallo, parish priest ng St. Jose Maria Escriva Mission Station Apitong.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: