Diet ba kamo? ‘Roasted pork belly’ na gawa sa jelly cake, nakatatakam

  • Ibinahagi ng isang netizen sa Facebook ang kaniyang gawang roasted pork belly na itinuturing na liempo sa ating mga Pinoy
  • Kakaiba ang roasted pork belly na ito dahil imbes na karne ay gawa ito sa jelly cake ngunit dinisenyuhan upang magmukhang karne
  • Ayon sa lumikha nito, maaaring ituring itong “prank food” para sa mga kapamilya o kaibigan dahil sa nakatatakam nitong hitsura

Mahilig ang maraming tao mula sa iba’t ibang lugar sa karne; bukod kasi sa masarap at malinamnam ang mga ito ay nagtataglay din ito ng protina na mainam sa ating katawan.

Imahe mula kay Herman Huang via Facebook

Ngunit sabi nga ng nakararami, hindi maganda ang sobra, lalo na ang sobrang pagkain ng karne na halos araw-arawin. Bukod kasi sa masama ang maidudulot nito sa katawan, maaari ding magkaroon ng karamdaman ang mga taong sobra-sobra kung kumain ng karne.

Kaya naman naisipan ng isang netizen mula sa Quebec, Canada na gumawa ng pagkain na hugis at hitsurang karne, ngunit hindi naman nakasasama sa kalusugan kahit marami ang makain dahil ito ay gawa lamang sa cake.

Ibinahagi ni Herman Huang ang kaniyang “prank food” na roasted pork belly na gawa lamang sa jelly cake. Ang roasted pork belly ay maihahalintulad nating mga Pinoy sa liempo.

Imahe mula kay Herman Huang via Facebook

“When sometimes you wanna eat meatless food, but you are so much the meat eater. No problem. Just make this roast pork belly shaped jelly cake. It is very easy to make with some simple ingredients and steps. You can prank your family also,” ani Herman sa kaniyang Facebook post.

Ang mga ibinahaging larawan ng roasted pork belly shaped jelly cake ni Herman ay umani ng libo-libong reactions mula sa netizens.

“I am quite surprised and happy to know that my prank food is getting more attention, it’s on many magazines and pages,” ang masayang nabanggit ni Herman na isang baker.

Ibinahagi rin ni Herman ang mga ginamit na kasangkapan sa paggawa ng roasted pork belly cake. Ito ay gawa sa tapioca starch, rice flour, taro, coconut milk, salt, sugar, water, at food color. Sa hitsura at kulay ng cake na ito ay talaga nga namang mapagkakamalang karne.

Ang saya sana kung ating matitikman ano?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: