DENR nais tambakan ng white sand ang dalampasigan ng Manila Bay

  • Nais ng Department of Environment and Natural Resources na maging white sand beach ang dalampasigan ng Manila Bay
  • Inuumpisahan nang tambakan ng puting buhangin ang nasa 500-metrong kahabaan ng baywalk sa Roxas Boulevard
  • Gagawing white sand ang dalampasigan ng Manila Bay upang makita ng mga tao ang kaputian nito at panatilihan ang kalinisan dito

Isa sa mga kilalang tourist spot dito sa Pilipinas na mayroong white sand beach ay ang Boracay Island. Sa sobrang pino at puti ng mga buhangin sa Boracay ay maraming turista ang nabibighani dito at nais magpabalik-balik sa isla.

Imahe mula PNA

Madaragdag sa listahan ng mga lugar dito sa bansa na mayroong white sand ay ang dalampasigan ng Manila Bay — ito ang nais isulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Habang hindi pa pinapayagan ang maraming Pinoy na pumunta sa mga pampublikong lugar tulad ng Manila Bay, sinamantala ito ng DENR upang patuloy na isagawa ang Manila Bay Rehabilitation Program.

Sa ilalim ng programang ito ay tuloy-tuloy lang ang pagtatambak ng buhangin sa Manila Bay habang may nakahanda nang gabundok na white sand na itatambak sa 500-metrong kahabaan ng baywalk sa Roxas Boulevard.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Ayon sa spokesman ng DENR na si Usec. Benny Antipora, naisipan nilang white sand ang ilagay sa dalampasigan ng Manila Bay upang makita ng mga mamamasyal na publiko na kapag puti ang isang bagay ay dapat umanong pangalagaan ito at huwag dumihan.

Inaasahang sa darating na International Coastal Clean-up Day sa September 19 ay white sand na ang makikita sa Baywalk area. Ngunit dahil sa pagtaas at pagbaba ng water quality ng Manila Bay ay maaaring hindi pa ito buksan sa publiko.

Sa mga nakapanayam ng 24 Oras, marami ang nakaabang sa magiging hitsura ng Manila Bay kapag natapos na ang rehabilitation program, habang may iba naman na tumataas ang kilay dahil kahit white sand umano ang dalampasigan ay marumi naman ang tubig sa Manila Bay.


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: