DENR naglabas ng warning tungkol sa illegal plant trade

  • Nagbabala ang DENR Zamboanga Peninsula sa mga nagbebenta at bumibili ng mga halaman na usong-uso ngayon sa mga plantitos at plantitas
  • Ang sinumang mahuli na nagbebenta o bumibili ng wild plants o critically endangered plants ay maparurusahan
  • Maparurusahan din ang makikitang nangunguha o nangongolekta ng mga critically endangered na halaman sa kakahuyan

May kilala ka bang certified plantitos and plantitas? O kaya naman ay ikaw mismo ay kasali na sa grupo ng mga ito? Ano-ano nang mga halaman ang iyong nakolekta at inaalagaan? Sigurado ka bang hindi kabilang sa mga endangered na halaman ang iyong mga kinokolekta?

Imahe mula DF Buzz

Malawak na ang trend ng pagiging plantitos at plantitas, kaya naman nangangamba ang Department of Natural Resources (DENR) sa Zamboanga Peninsula sa mga halaman na ibinebenta at binibili dahil maaaring ang ilan sa mga ito ay kabilang na sa maituturing na critically endangered plants.

Kamakailan ay naglabas ang DENR Zamboanga Peninsula ng babala sa kanilang Facebook page tungkol sa mga nangunguha, nagbebenta, at bumibili ng mga halaman na kasama na sa mga critically endangered plants.

The collection of wild flora directly from the forest, especially those considered as threatened species, without permit is prohibited under Republic Act 9147 or the Wildlife Resources Conservation and Protection Act,” ang nabanggit sa kanilang post.

Imahe mula DENR Zamboanga Peninsula Facebook page

Sinabi rin ni Crisanta Marlene P. Rodriguez, DENR Zamboanga Peninsula Executive Director, na ang sinumang mahuhuli na nangunguha ng wild plants sa kakahuyan na walang permit ay maaaring kasuhan ng kanilang opisina.

Mayroong batas na pumoprotekta sa mga endangered plants. Ayon sa Department Administrative Order No. 2017- 11, “collection and trade of threatened species are prohibited unless such acts are covered under a permit issued by the DENR and the species are found in areas under a valid tenure instrument or a parcel of land covered by a title under the Torrens System.”

Imahe mula DENR Zamboanga Peninsula Facebook page

Ang sinumang mahuling nangunguha, nagbebenta, at bumibili ng critically endangered na halaman ay maaaring mapunta sa piiitan ng anim hanggang 12 na taon at magbayad ng multa na aabot ng P100k hanggang P1M.

Para sa kumpletong listahan ng critically endangered plants, i-download lamang ang list sa link na ibinigay ng DENR Zamboanga Peninsula — http://bit.ly/DENRThreatenedPHPlants.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: