Davao City itinanghal na ‘Cacao Capital of the Philippines’

  • Kinilala kamakailan ng Department of Agriculture ang Davao City bilang “Cacao capital of the Philippines” dahil sa dami ng sakahan ng cacao sa lungsod
  • Mahigit 16,739 hectares o 16% ng planting sites sa rehiyon ay binubuo ng cacao agroforest
  • Ilan sa mga produktong cacao ay Filipino chocolates tulad ng Malagos at Auro, at marami ring benepisyo sa kalusugan ang pagkain ng cacao

Nakakita ka na ba ng puno ng cacao? Eh ang bunga nito? Nakakain ka na ba ng bunga ng cacao? Ano ang lasa nito?

Imahe mula DENR Davao

Kung iisipin, madalang ang makakita ng puno ng cacao sa kahit na anong lugar tulad sa Maynila o maski sa mga kalapit na probinsya. Hindi tulad ng mga puno ng mangga, malunggay, o kaya naman ay bayabas na madalas na nakikita sa maraming lugar, kakaunti lamang ang nagtatanim ng puno ng cacao.

Isa sa mga lugar kung saan makakakita ng napakaraming puno ng cacao ay sa lungsod ng Davao na kamakailan ay kinilala ng Department of Agriculture (DA) bilang “Cacao capital of the Philippines.”

Itinanghal ang Davao City bilang cacao capital dahil ito ang nangungunang lungsod sa pag-produce ng mga cacao beans at produkto nito.

Ayon sa DA, noong 2019 ay nakapag-produce ang Davao ng 2,289.74 metric tons ng cacao o 38% ng kabuuang kontribusyon ng rehiyon sa pinagkukunan ng cacao chocolate.

Imahe mula Department of Agriculture via Facebook

Ayon naman sa datos ng  Philippine Statistics Authority, mula 2015 hanggang sa kasalukuyan, ang kabuuang kontribusyon ng rehiyon sa pagproduce ng bilang ng cacao ay 80%. Kabilang sa pinakakilalang produkto ng cacao ay ang Filipino chocolates na Malagos at Auro.

Kamakailan ay mismong si Agriculture Secretary William Dar ang opisyal na nagpangalan sa Davao City bilang Cacao Capital of the Philippines. Patuloy din ang pagsuporta ng DA para sa mga cacao stake holders upang mas mapabuti ang produksyon ng cacao.

“Aside from cacao, Davao has much local agricultural produce that are brought to the global market. Let us work together towards a food-secure and resilient Philippines,” ani Sec. Dar.

Marami namang benepisyo ang nakukuha sa pagkain ng cacao. Ito ay nagtataglay ng healthy antioxidants na maganda para sa puso at nagpapababa ng cholesterol. Ito rin ay nagtataglay ng magnessium, minerals, at vitamins.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: