Carlo Aquino ipinasilip ang bagong silang na anak nila ni Trina Candaza

  • Ibinahagi ni Carlo Aquino ang larawan ng kaniyang panganay na anak sa non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza
  • Pinangalanang si “Enola Mithi Aquino”, inulan ng pagbati ang magkasintahan na kinumpirma ang kanilang relasyon noong nakaraang taon
  • Matatandaan na noong nakaraang Pebrero nang sinabi ni Carlo na si Trina na ang babaeng nais niyang pakasalan

Kamakailan lamang nang ipagdiwang ng aktor na si Carlo Jose Liwanag Aquino o mas kilala sa pangalang Carlo Aquino ang kaniyang ika-35 na kaarawan. At mukhang napakagandang regalo ang ibinigay sa kaniya ng Maykapal.

Imahe mula kay Trina Candaza via Instagram

Ibinahagi ni Carlo sa kaniyang Instagram post ang isang litrato ng sanggol na pinangalanang si Enola Mithi Aquino at saka minention ang kaniyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

Sa litrato, nilagay ni Carlo ang caption na “You can thank your stars all you want, but I’ll always be the lucky one,” lyrics sa kanta ng musikerong si Rico Blanco na “Your Universe.”  Maraming netizens ang nabigla dahil walang bakas sa kanilang mga social media na nagdalantao si Trina.

Marami naman ang bumati sa magkasintahan dahil sa natanggap nilang malaking biyaya. Karamihan sa mga bumati ay mga kasamahang artista ni Carlo sa showbiz tulad nina Vhong Navarro, Ejay Falcon, Jason Abalos, Gladys Reyes, Nikki Valdez, at marami pang iba.

Imahe mula kay Carlo Aquino via Instagram

Ang pangalan na “Enola” ay mula sa native American na ang ibig saibihin ay “magnolia“. Ito rin ay binaliktad na salitang “alone.” Habang ang “Mithi” naman ay nangangahulugan ng “truthful” o pagiging totoo.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nakumpirma ang relasyon nina Carlo at Trina. Napalibutan man ng kontrobersiya ay nanatiling low-key ang relasyon ng dalawa.

Sa isang artikulo ng PEP noong nakaraang Pebrero, sinabi ni Carlo na si Trina na ang nakikita niyang babaeng pakakasalan at nasa tamang edad na rin siya upang mag-umpisa ng sariling pamilya.

“Nag-iba ‘yung outlook sa buhay. Mas magaan, mas happy. Wala naman siguro sa tagal ‘yun,” ani Carlo na mahigit isang taon pa lang na  relasyon kay Trina. Ano man ang maging balak ng magkasintahan, ang mahalaga ay mayroon na silang anghel na mamahalin na magkasama. Congrats, Carlo at Trina!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: