Batang kalaro ang aso sa labas ng coffee shop, patuloy na inuulan ng tulong kahit 2 buwan na nang mag-viral

  • Nag-viral noong nakaraang Hulyo ang litrato ng isang alagang aso habang ito ay nilalaro ng isang streetkid sa labas ng coffee shop
  • Maraming netizens ang nagparating ng kanilang tulong para sa pamilya ng nasabing bata dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay
  • Pagkatapos ng 2 buwan simula nang nag-viral ang batang lalaki, patuloy pa rin silang nakatatanggap ng tulong ng kaniyang pamilya

Maraming netizens ang nagalak sa nakangiting litrato ng isang streetkid kasama ang isang alagang aso na kaniyang binantayan sa labas ng coffee shop habang bumibili ng kape ang may-ari nito.

Imahe mula sa Facebook | Mazikeen the Chow

Nag-viral ang nasabing litrato na kinuhanan ni AJ Soriano, ang may-ari sa asong si Mazey na iniwan niya sa labas ng coffee shop dahil hindi pinahihintulutan na pumasok sa loob ang mga alagang aso.

Batang nakipag-bonding sa aso na ipinaiwan sa labas ng coffee shop, inulan ng tulong

Habang nasa labas ng coffee shop si Mazey ay magiliw siyang binantayan ng 12 anyos na si Rondel dahil alam niya umanong marami ang nangunguha ng aso at bisikleta sa paligid ng establisyimento kung nasaan si Mazey.

Imahe mula kay AJ Soriano via Facebook

Umani ng libo-libong reaksyon mula sa netizen ang litrato ni Rondel at Mazey habang ang mga ito’y nakangiti sa harap ng camera. Marami rin ang natuwa sa magandang asal ng batang si Rondel at sa kagustuhan nitong maprotektahan ang asong si Mazey.

Nang mag-viral ay inulan na ng tulong ang pamilya ni Rondel dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay.

Sa isang panayam ng GMA News ay sinabi ng ina ng bata na bagama’t alam niyang bawal lumabas ang anak ay hindi niya ito napipigilang mamalimos. Sa tulong din ni AJ ay natanggap ng pamilya ni Rondel ang mga ibinibigay na tulong.

Imahe mula kay AJ Soriano via Facebook

At kahit dalawang buwan na matapos mag-viral ang litrato ni Rondel at Mazey, patuloy pa rin na nakatatanggap ng tulong ang pamilya ng bata tulad ng pagkain at groceries, at ngayon ay napagawa na rin nila ang sira-sirang bahay dahil sa mga natanggap na donasyon. Nagbibigay si AJ ng update sa Facebook sa mga naibibigay na tulong sa pamilya.

Mayroon ding nagbigay ng tablet kay Rondel upang magamit niya sa darating na pasukan.

“Masaya po kasi po kami ang napiling tulungan nila. Meron na po kaming pagkain araw-araw. Makakatulong po rin po ito para sa pag aaral ko,” ani Rondel.

Ipinangako rin ng bata na pagbubutihin niya ang pag-aaral bilang sukli sa mga kabutihan na natanggap ng kaniyang pamilya.

 


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: