Baguio City, tatanggap na ng mga turista mula Ilocos at Cordillera region mula September 21

  • Upang matulungang makabawi ang ekonomiya sa Baguio City, bubuksan na ito sa mga turista mula Northern Luzon at Cordillera Region
  • Ang mga lugar na papayagan ang turistang makapunta sa Baguio ay mayroong zero o mababa ang kaso ng COVID-19
  • Bilang pag-iingat na rin, kinakailangang magpasa ng mobile registration, confirmed accommodation booking, at COVID-19 test ang mga turista na pupunta dito

Magandang balita para sa mga Pinoy na nagnanais nang makapasyal muli sa “Summer Capital of the Philippines,” dahil magbubukas na ang lungsod ng Baguio para sa mga turista mula sa Northern Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Imahe mula PNA

Ayon sa balita ng “24 Oras,” bubuksan na ang lokal na turismo ng Baguio City sa darating na September 21 sa mga turista mula sa lugar nayroong zero case o mababa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kinakailangan nang magbukas ang turismo ng lungsod upang mapalakas mula ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Mahigit P1.7 billion ang nawala sa tourism revenues ng Baguio City simula nang ipinatupad ang lockdown noong Marso, at nangangamba si Mayor Magalong na baka abutin ito ng P4 billion kapag hindi pa binuksan ang turismo hanggang sa huling buwan ng taon.

Imahe mula kay Marvee Blanch via Facebook

Kahit kailangang palaguin ang ekonomiya ay mahigpit pa rin ang ipatutupad na health protocols sa lungsod lalo na at mula sa 341 na naitalang COVID-19 case ay 81 na lamang ang active case as of August 31.

“’Yong pinaka-best siguro ngayon is ‘yong tinatawag nating responsible behavior. ‘Wag lang sana nila isipin ‘yong kanilang sarili, kundi isipin rin nila ‘yong safety ng iba,” ani Mayor Magalong na tinitignan ipatupad ang tourism bubble concept sa mga tourist spots ng Baguio.

Bukod sa health protocols, kinakailangan ding magpasa ang mga turista na mamamasyal sa Baguio ng mga kaukulang requirements tulad ng mobile registration, booking accommodation, at mandatory COVID-19 test bago makapasok sa lungsod.

Imahe mula GMA News

“Lahat digital na talaga… bago sila umakyat sa Baguio, naka-book na muna ng hotel, online lahat. So hindi puwedeng biglaan aakyat at tsaka dapat tested lahat, may medical certificate,” dagdag ng Baguio City Mayor.

Binabalak din umano ng city government na magtalaga ng centralized triage center sa parking lot ng Baguio Convention Center. “One-stop shop siya. May triage, may waiting area, may testing, mayroong 16 beds kung saka-sakaling may suspected case,” ani Mayor Magalong.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: