Bagong gawang mga painting ni Solenn Heussaff, nakabibilib

  • Bukod sa pagiging magaling na artista at host, kilala rin si Solenn Heussaff bilang isang magaling na painter na nagkaroon na ng sariling exhibit at naitampok ang mga obra sa ibang bansa
  • Sa IG ay ibinabahagi ni Solenn ang mga obrang ginawa at ginagawa tampok ang iba’t ibang subject
  • Kamakailan ay nagbahagi muli si Solenn ng mga natapos na niyang obra ang iba’t ibang mukha sa lipunan

Taong 2017 nang magkaroon ng sarili niyang art exhibit ang actress, host, at painter na si Solenn Heussaff. Ang kaniyang solo exhibit na inilunsad sa Shangri-la the Fort’s Provenance Gallery ay pinamagatang “Kalsada.”

Imahe mula Instagram

Tampok sa kaniyang mga obra ay ang iba’t ibang mukha ng Pilipino sa lipunan. “It’s always been such a passion for me to paint people that have a lot of soul, those who look like they’ve been through a lot,” ani Solenn sa isang panayam.

Taong 2019 nang magdalantao si Solenn sa unang anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana. Ngunit kahit nagdadalantao ay hindi pa rin siya tumigil sa pagpipinta at ang kaniyang mga litrato habang nagpipinta ay ibinabahagi niya sa social media.

Enero nang manganak si Solenn, at isa sa kaniyang mga naging libangan sa kanyang journey sa pagiging ina ay ang pag-ehersisyo at pagpipinta. Sa mga larawan sa kaniyang Instagram, makikita ang mga life-size na obrang kanyang ginagawa, at sa pagkakataong ito ay karga niya ang anak na si Thylane habang nagpipinta.

Imahe mula Instagram

Kamakailan ay ibinahagi ni Solenn ang mga natapos na niyang obra na may pagkakahawig sa kaniyang mga obra na itinampok sa exhibit na “Kalsada.” Ang unang painting na kaniyang pinost ay tinawag niyang “Coming Home” at mayroong laki na 90″x 55″.

Makikita sa obra ni Solenn na Coming Home ang karaniwang eksena na makikita sa mga probinsya tulad ng mga nanay na karga ang anak at jeepney na puno ng pasahero hanggang bubong.

Imahe mula Instagram

Sunod naman niyang ibinahagi ay ang obrang tinawag niyang “Trapped.” Dito ay makikita ang mga walang pang-itaas na damit na mga lalaking tila nasa kulungan. Bakas ang iba’t ibang emosyon sa ipininta ni Solenn kaya naman nakabibilib ito.

Ani Solenn na hindi na siya makapaghintay na maging tatlong taong gulang na si Thylane upang maturuan na rin niyang magpinta—parehong edad nang magsimula siyang magpinta.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: