‘Appreciate the time we have left with our parents’: Netizen may mensahe para sa mga tulad niyang anak

  • Pauwi na sana mula sa kaniyang trabaho ang isang netizen nang makatanggap ng imbitasyon mula sa kaniyang ama
  • Ayon sa ama ng netizen, nagluto ang kaniyang ina ng empanada at pansit na para sana sa kaniya
  • Tatanggi na sana ang netizen dahil sa pagod ngunit nagbago ang kaniyang isip nang makita ang litrato ng ina na naghihintay sa hapag-kainan

Sa dami ng nangyayari sa ating buhay, madalas ay nakalilimutan na natin maski ang mga simpleng bagay na maituturing na napakalaking biyaya sa ating araw-araw.

Imahe mula Freepik

Mula paggising at pagtulog, ang mga ito ay malaking biyaya na ibinibigay ng Maykapal. Ang mga taong nasa paligid natin at minamahal tayo ay malaking biyaya na rin na maituturing—lalo na ang ating mga magulang. Naiisip mo ba ito araw-araw?

Ito ang napagtanto ng netizen na si Christie Lindog isang araw nang siya’y papauwi na mula sa trabaho.

Kuwento ni Christie, inimbitahan siya sa bahay ng kanyang mga magulang dahil nagluto ang kanyang ina ng pansit at empanada. Ngunit dahil sa pagod at iniisip niyang may pasok pa siya kinabukasan ay tinanggihan niya ito.

Imahe mula kay Christie Lindog via subtle asian traits Facebook page

Ngunit biglang nagbago ang isip ni Christie nang matanggap niya ang litrato ng kanyang nanay na naghihintay sa lamesa kasama ang mga niluto para sa anak.

Agad na umuwi si Christie sa bahay ng kanyang mga magulang at tiniyak na kumain ng maraming pansit at empanada na inihanda ng kanyang ina.

Imahe mula kay Christie Lindog via subtle asian traits Facebook page

“I immediately realized, that the noodles, the empanadas, and every other food mom has made was not just a dish she wanted to share but her own excuse to see us. And here I was, giving the lamest excuses not to see her and dad,” ani Christie.

Marami namang netizens ang naantig sa kuwentong ito ni Christie at kaniyang mga magulang.

“Not only to parents but to those people who cares for you and spend their time to prepare something for you, appreciate it with a big heart and true feelings,” ayon sa isang nagkomento.

Appreciate the time we have left with our parents or family because life is short and uncertain, especially now.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: