Angeline Quinto nagtayo na ng sariling negosyo, nagtitinda ng chicken wings

  • Kamakailan ay napuno ng posts tungkol sa kaniyang bagong negosto ang social media ng aktres at singer na si Angeline Quinto
  • Tinawag na ‘AQ Wings of Love,’ ang naging negosyo ni Angeline ay pagtitinda ng flavored chicken wings na maaaring i-order online
  • Bukod sa pamamahala sa negosyo, tumutulong na rin si Angeline sa pagluto, pagtimpla, at pagbabalot ng chicken wings

Doble at triple ang pagsusumikap ng maraming Pinoy ngayon dahil sa nararanasan nating pandemya. Maski ang mga “may kayang” maituturing ay naaapektuhan din ng krisis na nagtutulak sa kanila ng gumawa ng paraan upang kumita.

Imahe mula kay Angeline Quinto via Instagram

Walang pinipili ang COVID-19 at ang dala nitong krisis sa ating lipunan—maraming Pinoy ang nawalan ng trabaho, maraming negosyo ang nalugi at nagsara. Ganito man ang nangyari, marami naman ang naisipang magtayo na lamang ng sariling negosyo lalo na ang online selling.

Maski ang mga celebrity ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Dahil dito, pinasok na rin ng ilan sa kanila ang pagnenegosyo bilang alternatibong paraan upang kumita at sa parehong pagkakataon ay makatulong na rin sa kapwa na magkaroon ng trabaho.

Isa ang Kapamilya actress at singer na si Angeline Quinto sa mga kamakailan ay nag-umpisa na rin ng sariling negosyo, at ito ay ang pagtitinda ng flavored chicken wings na maaaring i-order online.

Imahe mula kay Angeline Quinto via Instagram

Napuno ng mga litrato ng kaniyang bagong negosyo ang Instagram account ni Angeline na ipinapakita ang mga nakatatakam na tinda niyang flavored chicken wings.

Tinawag na “AQ Wings of Love,” ang mga itinitindang chicken wings ng singer ay mayroong flavor na honey barbecue, smoking hot barbecue, honey mustard, red hot labuyo, garlic parmesan, salt and pepper.

Imahe mula kay Angeline Quinto via Instagram

Ibinahagi rin ni Angeline ang kaniyang mga litrato habang tumutulong din sa kaniyang negosyo. Bukod sa pangangasiwa, ang singer din ang tumutulong sa pagluluto, pagtitimpla, at pagbabalot ng mga binebentang flavored chicken wings.

Sa mga nais umorder, i-like at follow lang ang AQ Wings of Love sa kanilang Instagram at Facebook account.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: