ALAMIN: Paano makaka-jackpot sa claw machine

  • Ibinahagi ng programang “AHA” ng GMA Network ang mga tips at tricks kung paano makakakuha ng mga papremyo sa loob ng claw machine
  • Ang claw machine ay isang uri ng arcade machine kung saan ito ay hinuhulugan ng pera at minamaniibra ang “claw” upang kumuha ng mga papremyo
  • Bukod sa timing, isa ring sikreto ng kung paano makakuha ng laruan sa claw machine ay ang lakas ng pagpihit sa joystick

Kung nakapunta ka na sa mga arcade station na karaniwang matatagpuan sa itaas o ibaba ng malls, marahil ay nakakita ka na rin ng mga claw machines. Ito ay isang uri ng arcade machine kung saan ay maaaring kumuha ng mga papremyong laruan sa loob sa pamamagitan ng pag-control sa “claw.”

Imahe kuha mula sa video ng AHA via Facebook page

Hinuhulugan ang claw machine ng chip o pera, at saka minamanipula ang claw o iyong kukuha ng mga laruan sa pamamagitan ng joystick. At kung handa nang kunin ang nais na laruan ay saka pinipindot ang “Go” button upang bumaba ang claw.

Subalit hindi basta-basta ang makakuha ng papremyo sa claw machines, dahil kinakailangan ito ng malupit na timing at magandang posisyon ng laruan upang ito ay makuha. Karaniwan sa mga laruang papremyo sa claw machines ay stuff o plushie toys na malalaki at malalambot, kaya naman doble ang hirap sa pagkuha ng mga ito.

Gaano man kahirap ang makakuha ng premyo sa claw machines, mayroong pa ring tips at tricks kung paano mananalo rito.

Imahe kuha mula sa video ng AHA via Facebook page

Sa programang “AHA” ng GMA Network, ibinahagi sa isa nilang episode ang sikreto kung paano matitiyak na makukuha ang ninanais na papremyo sa loob ng claw machine.

Ayon sa kanilang mga nakapanayam na sanay na sanay na sa paggamit ng claw machines dahil araw-araw nila itong nilalaro, ang sikreto ay nasa puwesto ng laruan na nais kunin at sa lakas at bilis ng paghatak sa joystick at pagpindot sa “Go” button.

Unang step ay ilapit ang nais na laruan sa butas kung saan ito ihuhulog. Kapag nasa malapit na puwesto na ang laruan ay saka hatakin ng malakas ang joystick at pindutin ang button upang maging powerful ang claw na kukuha sa laruan.

Imahe kuha mula sa video ng AHA via Facebook page

Bukod sa mabilis na paghatak sa joystick ay maaari din itong itulak nang mabilis. At ang huling trick ay ang tinatawag na “payout” kung saan ay naka-slant ng bahagya ang kukunin na laruan.

Kapag bumalik na sa normal ang lahat ay maaari mo nang gawin ang mga ganitong tricks sa claw machine!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: