300 siklista, nabigyan ng reflectorized vest at t-shirt sa kampanya para iwas disgrasya sa kalsada

  • Nagkaroon ng kampanya bilang pagbibigay kamalayan sa mga siklista na nasa daan na mag-ingat
  • Magkatulong ang PNP-HPG at Automobile Association of the Philippines ay namigay sila ng libreng reflectorized vest sa mahigit 300 na siklista sa daan
  • Bukod sa reflectorized vest ay namigay din ng libreng t-shirt na may nakasaad na #3500lives, ang kampanya na kanilang isinusulong

Napapanahon ngayon ang paglulunsad ng mga proyekto, programa, at pagtataguyod para sa kaligtasan ng mga siklista sa daan, lalo na at dumami ang kanilang bilang ngayong nagkaroon ng pandemya.

Imahe mula kay James Agustin via GMA Public Affairs Facebook

Marami nang projeykto ang isinusulong ng maraming local government unit at organisasyon sa iba’t ibang panig ng bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga siklista habang nasa mga high way o pampublikong daan.

Dahil sa COVID-19 pandemic, iminungkahi ng pamahalaan ang mga Pinoy na gumamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon lalo na kung papasok sa trabaho. Subalit marami man ang may interes na gumamit na lamang ng bisikleta, hindi naman naging handa ang pamahalaan sa paglalaan ng mga establisyimento sa daan upang matiyak ang kaligtasan ng mga gumagamit ng bisikleta.

Kaya naman unti-unti nang inilulunsad ang iba’t ibang proyekto at programa na tinitiyak ang pagiging ligtas ng pagbibisikleta sa daan mga pampublikong daan.

Imahe mula kay James Agustin via GMA Public Affairs Facebook

Kamakailan ay inilunsad ng Automobile Association of the Philippines (AAP)sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pamimigay ng libreng reflectorized vest sa nasa 300 siklista sa Metro Manila.

Sa pamamagitan ng reflectorized vest ay madaling makikita ng mga motorista ang mga nakabisikleta dahil sa magiging ilaw ng kanilang vest lalo na sa gabi. Bukod sa vest ay namigay din ang AAP ng libreng t-shirt na nakasaad ang #3500lives, ang kampanya ng AAP upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada. Ang 3500 ay tumutukoy sa dami ng buhay na nawawala kada taon dahil sa aksidente sa daan.

Ang Automobile Association of the Philippines ay isang auto club at organisasyon dito sa Pilipinas na nakatutok sa pangkalahatang kapakanan ng mga motorista, kasama na ang mga siklista.


Loading...
Source :

Facebook, AAP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: