‘I respect what it’s been thru:’ Iya Villana ipinakita ang gym routine at katawan, 4 weeks pagkatapos magsilang

  • Isang buwan na ang nakararaan nang isilang ng TV host na si Iya Villania-Arellano si Lauren Alana, ang  ikatlong anak nila ng asawang si Drew Arellano 
  • Pagkatapos ng apat na linggo ay balik gym na si Iya at ibinahagi pa niya sa kaniyang Instagram stories ang pagbabago na nangyari sa kaniyang katawan
  • Ani Iya, nirerespeto niya ang pinagdaanan ng katawan at nais niya lang din itong mapabuti kaya siya ulit bumalik sa gym

Bukod pa sa mismong childbirth,  pagdadaanan pa ng isang ina ang “postpartum” o ang tinatawag din na “baby blues” kung saan ay nakararamdam ng lungkot ang isang ina pagkatapos magsilang.

Imahe mula DF Buzz

Dagdag sa malalim na emosyong pinagdaraanan ay ang pagbabago sa katawan ng isang ina pagkatapos childbirth—kabilang na dito ang pagdami ng mga ‘kamot’ kung tawagin at loose na balat.

Ngunit ganun pa man ang pisikal at emosyonal na nararamdaman ng mga ina, kailangan pa rin nilang magpatuloy sa pag-aaruga sa mga anak, at kasama na rin doon ang pag-aalagang muli sa kanilang katawan.

Kaya naman upang makaiwas sa hindi magandang emosyon na nararamdaman ay nagbalik muli sa pag-eehersisyo ang TV host na si Iya Villania-Arellano, apat na linggo pagkatapos niyang iluwal si Baby Lauren Alana.

Imahe mula DF Buzz

Ilang araw matapos manganak, Iya Villania-Arellano ibinahagi ang naging agarang pagbabago ng katawan

Sa kaniyang Instagram post ay ipinakita ni Iya ang mga pagbabago sa kanyang katawan habang nagwo-workout.

“I respect what it’s been thru but let’s see what we can do about it. If I can get rid of certain part then great! If not, it’ll all still be good,” ang caption ng TV host sa kaniyang mga videos.

Imahe mula kay Iya Villania via Instagram

Nakabibilib naman na kahit halos isang buwan pa lamang ang nakararaan ay nakagawa na ng pull ups si Iya.

“It’s been months since the last time I did pull ups so was happy to discover that I still could.”

Nagbigay din ng mensahe si Iya para sa kaniyang followers⁠ — mommies man o hindi. “Remember to always work on yourself and to enjoy the little victories.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: