Plantitos at plantitas, may naiaambag upang mapuksa ang COVID-19 sa kapaligiran

  • Malaking tulong sa panahon ngayon ng pandemya ang mga nakahiligang itanim na halaman ng Pinoy plantitos at plantitas
  • Pinapaganda ng mga halaman ang “air quality” sa kapaligiran na maari ding makatulong upang mapuksa ang COVID-19
  • Tinatanggal ng mga halaman ang carbon dioxide at ito ay nakakapag-detoxify sa hangin

Kamakailan ay kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang mga ipinasang ebidensya ng mahigit 200 scientists na nagsasabing “airborne” o nananatili sa hangin ng mga saradong lugar ang COVID-19.

Imahe mula DF Buzz

Coronavirus can float and spread from one person to another in crowded indoor spaces, WHO concedes

Dahil sa bagong nadiskubreng ito ng mga scientists at WHO tungkol sa coronavirus, maaari na rin itong maipasa ng suspected COVID-19 carrier sa mga taong kasama niyang nasa “closed space” na lugar.

Kaya naman bukod sa pagsusuot ng face mask at shield, paghuhugas ng kamay, pagsa-sanitize, at social at physical distancing, mainam na rin na siguraduhing maganda ang “air quality” sa ating kapaligiran — na ngayon ay ginagampanan ng mga plantitos at plantitas.

“One of the most effective things you can do right now is to think in terms of ventilation and air quality,” ani Jack Noonan, vice president ng Asia Pacific of the International WELL Building Institute.

Imahe mula kay Marvee Blanch via Facebook

Hindi na lang ngayon libangan ng mga Pinoy ang pagtatanim ng mga halaman na nauso matapos magkaroon ng lockdown at mapilitan ang marami na manatili na lamang sa loob ng bahay.

Bukod sa nagbibigay ng saya at fulfillment ang pag-aalaga ng mga halaman, malaki rin ang ambag nito upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa ating kapaligiran.

“Plants remove carbon dioxide and can detoxify the air,” ani naman ni Carmen Jimenez Ong, founder at CEO ng Menarco Development Corporation.

Imahe mula kay Caren Esteban Decastro via Facebook

“They handle air quality. Plants are a natural air filter, and they create microbiomes, like probiotic but for the air,” dagdag pa ni Ong. Kaya naman malaking bagay ngayon sa ating lipunan ang pagtatanim ng mga halaman.

Bukod sa pagpapabuti ng ating pangkalahatang kalagayan, nag-aambag din ang pagtatanim ng halaman upang luminis ang hangin sa ating kapaligiran at labanan ang COVID-19. Kaya’t tanim tanim na rin lahat pag may time.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: