Mga residente sa Japan, kasama ang Filipino workers, nakatanggap ng P50,000 financial assistance

  • Nakatanggap ang lahat ng residente, kabilang na ang mga Filipino workers, sa Japan ng ¥100,000 o P50,000 bilang financial assistance
  • Halos balik sa normal na ang pamumuhay sa Japan sa kabila ng nasa mahigit 53,000 na kaso ng coronavirus
  • Ayon sa mga Pinoy na nakatira dito, hindi mahigpit ang ipinatupad ng mga panukala ng COVID-19 Task Force sa Japan dahil disiplinado ang mga tao

Isa sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic dito sa bansa ay ang kabuhayan ng mga tao. Kaya naman ang pangunahing tulong na ibinahagi ng gobyerno ay ang tulong  pinansyal para sa mga Pinoy na nasa laylayan.

Imahe mula Freepik

Ngunit hindi lahat ng Pinoy ay nakatanggap ng ayuda o social amelioration program (SAP) ng pamahalaan dahil ito ay nakatakda lamang na ibigay sa mga mahihirap o iyong walang-wala sa buhay.

Sa bansang Japan, hindi lang lahat ng residente kundi maski ang mga Filipino workers doon ay nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng ¥100,000 o P50,000 mula sa kanilang gobyerno .

Sa programang Stand For Truth ng GMA News, itinampok nila ang mga Pinoy na nasa Japan na nakatanggap ng nasabing financial assistance.

Imahe kuha mula sa video ng Stand For Truth via Facebook

“Walang mahirap, walang mayaman, foreigner or Japanese, bata man or matanda, binibigyan nila ng suporta na ¥100,000. Binibili namin ‘yun ng mga needs namin like, for example, mga pagkain,” pagbabahagi ni Excelsis Borbon; isang nurse sa Japan.

Ayon naman sa isang culture teacher sa Chiba, Japan, bukod sa ¥100,000 o P50,000 ay nakatanggap pa sila ng kaniyang kapatid ng dagdag tulong pinansyal.

“‘Yung sister ko, on top of her ¥100,000 from the government dahil part siya ng family namin, may ¥100,000 pa siya na ‘yung school naman niya ‘yung nag-process,” kuwento ni Sheka Matz.

Imahe mula Freepik

Ayon pa sa kaniya, halos balik normal na ang sitwasyon sa Japan sa kabila ng mahigit 53,000 COVID-19 cases sa bansa; malaking porsyento naman ang kanilang recovered cases.

“Bumalik ‘yung mga classes nung June. Kung kakain ka sa labas, you can do that. Mga amusement park bukas na din. ‘Yung go to campaign, they encourage people to travel,” ani Sheka.

Hindi rin umano mahigpit ang ipinatupad na mga alituntunin ng COVID-19 Task Force sa Japan dahil likas na disiplinado ang mga tao dahil na rin sa kanilang kultura.

“Ang mga Japanese kasi kapag sinabing may isang rule, applicable ‘yan sa lahat, walang exceptions. They value order and cleanliness. Malilinis sila sa katawan nila and sa paligid nila,” dagdag ni Sheka.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: