Magsasaka sa Albay, hinangaan dahil hindi nagpapigil sa polio upang makapaghanapbuhay

  • Isang magsasaka mula sa Albay ang hinangaan sa kanilang lugar at ng mga netizens dahil sa nakabibilib nitong sipag
  • Kahit kasi mayroong karamdamang polio ang magsasaka na hirap na sa paglalakad ay nagtatrabaho pa rin siya sa bukid upang buhayin ang pamilya
  • Nanawagan naman ang magsasaka na sana ay matulungan siya ng gobyerno na mabigyan ng sapat na kapital

Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan — isa ito sa mga karaniwang naririnig natin na kasabihan na tumutukoy sa marami nating naging karanasan.

Imahe mula kay Jose Carretero via ABS-CBN News Facebook page

Tunay nga namang isa ang pagiging masipag sa katangian ng tao na maaaring magdala sa kaniya sa tagumpay sa buhay. Kahit ano pang estado mo, hindi ito hadlang upang hindi mo maabot ang mga pangarap at naisin sa buhay lalo na kung ikaw ay may sipag at tiyaga — lalo na kung may mga taong susuporta sa iyong determinasyon.

Ito ang ipinamalas ng isang magsasaka mula Albay na sa gitna ng karamdaman ay hindi ito naging hadlang upang hindi siya makapaghanapbuhay para sa kaniyang pamilya.

Itinampok ng ABS-CBN News Facebook page ang kuwento ni Tatay Samuel Baluso, isang magsasaka mula sa Barangay Santo Nino sa Santo Domingo sa Albay na hinangaan dahil sa kaniyang sipag kahit mayroong polio.

Imahe mula kay Jose Carretero via ABS-CBN News Facebook page

Kuwento ni Tatay Samuel, tatlong taon pa lamang siya nang dapuan ng polio na nagdulot ng pagliit ng kaniyang mga paa. Ngunit kahit hirap maglakad, pumupunta pa rin sa bukid si Tatay Samuel sa pamamagitan ng pagsusuot ng tsinelas sa kaniyang mga kamay na nagsisilbi ring kaniyang mga paa.

Mahirap man ang kalagayan ay ang sipag at tiyaga na ito ni Tatay Samuel ang bumuhay sa tatlo niyang anak. Pinuri naman siya ng Municipal Agriculture Office dahil sa kanyang kasipagan.

Imahe mula kay Jose Carretero via ABS-CBN News Facebook page

Ang mga katulad man ni Tatay Samuel ang prayoridad na mabigyan ng tulong ng pamahalaan, nanawagan pa rin siya na sana raw ay mabigyan siya ng sapat na kapital upang mag-umpisang magsaka at hindi na niya kailangan pang mangutang.

Sana bukod sa papuri at paghanga ay matulungan din ang mga pamilyang tulad ni Tatay Samuel dahil ito ang lubos nilang kinakailangan lalo na sa panahon ngayon.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: