Lalaking walang mga braso, nakabibilib pa rin ang talento sa pagpipinta

  • Tampok sa programa ng GMA News TV na Family Time ang mga kuwento ng mga Pinoy na lubos na kumayod lalo na sa panahon ngayon ng pandemya
  • Isa sa kanila ay lalaking mayroong kapansanan ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi siya makatulong sa pamilya
  • Gamit ang kaniyang talento, gumuguhit at ibinebenta ng lalaki ang kaniyang mga obra

Mahalaga ang bawat parte ng ating katawan lalong-lalo na ang mga kamay at paa dahil may tungkulin ang mga ito sa araw-araw nating pamumuhay.

Imahe mula sa GMA News Public Affairs via Facebook

Ngunit paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay maipanganak kang may diperensya sa katawan at hindi mo tuluyang magagamit ang mga importanteng bahagi nito tulad ng kamay at paa? Ano na lamang ang iyong gagawin?

Para sa 21-anyos na si Eric Muana, ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi dahilan upang makaramdam ng walang kabuluhan sa buhay, bawat tayo ay ipinanganak na may layunin sa buhay—buo man ang kanilang pangangatawan o hindi.

Ipinanganak na maliliit at walang braso ang kamay ni Eric habang ang kaniyang mga paa naman ay maliliit at hindi siya masyadong makalakad. Ganun pa man, tiniyak pa rin ni Eric na nakatutulong siya sa pamilya, at ito ay sa pamamagitan ng paggamit niya ng kaniyang talento.

Imahe mula sa GMA News Public Affairs via Facebook

Sa programang “Family Time” ng GMA News TV ay itinampok nila ang mga kuwento ng mga Pinoy na sa gitna ng labis na kahirapan ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa at matuloy pa rin na kumayod at dumiskarte sa gitna ng pandemya.

Isa si Eric na mula sa Camotes Island, Cebu sa mga itinampok na kuwento. Ipinanganak siyang walang braso at mga binti, ngunit hindi naman ito naapektuhan ang kaniyang libangan—ang pagpipinta.

Kalaunan, hindi na lang ito naging libangan para kay Eric dahil ito rin ang sumalba sa kaniyang pamilya sa kagipitan nang tamaan ng malubhang karamdaman ang kaniyang ama.

Imahe mula sa GMA News Public Affairs via Facebook

Sa pagbebenta pa lamang ng kaniyang mga obra ay nakalikom na si Eric ng nasa P10,000. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nagtagal pa ang kaniyang ama.

Ganun man ang nangyari, nagpatuloy pa rin si Eric at kaniyang pamilya sa kanilang buhay. Ngayon ay patuloy pa rin na nagpipinta ng mga nakabibighaning tanawin si Eric at saka niya ito binebenta.

Ang kaniyang maiipong pera ang gagamitin niya umano upang ipagawa ang kanilang bahay.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: