Lalaki piniling tumira sa jeep kasama ang asawa at anak dahil tutol sa mga ito ang kaniyang pamilya

  • Itinampok ng GMA News ang kuwento ng isang pamilya na apat na buwan nang naninirahan sa loob ng isang jeepney sa Manila
  • Nawalan sila ng pambayad sa tinitirhan kaya naghanap sila ng ibang matutuluyan na hindi kailangang bayaran
  • Kuwento ng tatay, pinili niyang manatili kasama ang asawa at anak kahit tutol ang kaniyang pamilya dito

Ang jeepney ay isang pampublikong sasakyan na ginawa para sa mga pasahero. Ngunit para sa isang pamilya, ang jeepney ang kanilang naging tahanan matapos mawalan ng tinitirahan sa gitna ng pandemya.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Itinampok ng GMA News ang kuwento ng isang pamilya na apat na buwan nang naninirahan sa loob ng isang jeepney sa may Rizal Avenue, Sta.Cruz sa Maynila.

Ayon kay Jordan Salazar, galing silang Meycauayan, Bulacan, at napadpad sa Maynila noong lockdown. Apat na buwan nang nakatira ang kaniyang pamilya sa loob ng jeep.

Tutol umano ang kaniyang pamilya sa pananatili niya sa piling ng kaniyang asawa at anak, ngunit kahit mahirap ang buhay ay mas pinili niya ang mga ito.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Umaasa na lamang ang pamilya sa mga bigay na ayuda, donasyon, at tulong ng mga makakakita sa kalagayan nila. Noon ay namamasada ng jeep si Jordan at ito ang kaniyang naging trabaho sa pitong taon. Nasa P800 umano kada araw ang kaniyang kinikita, ngunit nawala ito dahil sa pandemya.

Nakiusap sa may-ari ng jeep si Jordan kung maaari ay doon muna sila manirahan habang hindi pa ito bumibiyahe para mamasada. Pumayag naman ang may-ari dahil mayroong magbabantay sa kaniyang jeep.

Nasa loob ng jeep ang lahat ng kanilang gamit kaya’t baluktot matulog ang pamilya dahil sa sikip ng jeep. Hinarangan din ito upang mayroon silang proteksyon habang nasa loob.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Kasama ni Jordan na naninirahan sa loob ng jeep si Cecil Recasio at isang anak nila. Kuwento ni Cecil, naliligo na lamang sila sa loob din ng jeep at kung kinakailangang magbanyo ay sa plastic na lamang inilalagay.

Hindi na nakapagbayad si Jordan sa kanilang tahanan sa Meycauayan kaya nawalan sila ng tirahan. Ngayon ay nakiki-boundary na lamang siya sa tricyle upang kahit papaano ay kumita ng salapi para sa pang-araw-araw ng kaniyang pamilya.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: