Empleyado ng LTO na nagpapa-rebond sa loob mismo ng opisina sinuspinde

  • Nakuhanan ng video at na-upload sa social media ang isang babae na empleyado ng Land Transportation Office (LTO) habang ito ay may ginagawang iba
  • Ang babae kasi na ito ay nagpapa-rebond sa loob mismo ng opisina ng LTO habang office hours
  • Agad namang pinaimbestigahan ng Civil Service Commission ang babae at kalaunan ay sinuspinde na

Never mix business with pleasure⁠ — isa ito sa mga kasabihan na tumutukoy sa pagitan ng personal na buhay at trabaho ng isang tao,

Imahe kuha mula sa video ni Arian Bodiongan via Facebook

Ibang-iba ang trabaho sa mga bagay na iyong ginagawa para sa iyong sariling kasiyahan. Halimbawa na lamang, kung ikaw ay pupunta sa ibang bansa upang dumalo sa isang pagtitipon, kahit pa nais mong mamasyal sa bansang iyon ay kailangan mong gawin ang tunay na pakay sa pagpunta.

At isa pang halimbawa ng paghihiwalay sa “business” at “pleasure” ay nakuhanan ng video ng isang netizen habang siya ay nasa loob ng opisina ng gobyerno—na nagmukhang parlor dahil sa kaniyang nasaksihan.

Sa video na nakuhanan ng netizen na si Arian Bodiongan, makikita ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) na lantarang nagpapa-rebond habang nasa loob mismo ng opisina at kasalukuyang office hours.

Imahe kuha mula sa video ni Arian Bodiongan via Facebook

Sa maikling clip na nakuhanan ni Arian, makikitang pinaplantsa ang buhok ng babaeng hindi nakasuot ng face mask habang nasa opisina at mayroong mga nakaharang na plastic barrier.

Dahil sa video na ito ay agad na nagpa-imbestiga ang Civil Service Commission (CSC) upang matukoy kung sino ang empleyadong ito.

“Taong bayan ang nagpapasweldo sa atin tapos kaya mo pang ipaharap doon sa transacting public na ikaw ay nagpaparebond?” ani CSC Commissioner Aileen Lizada.

Icllick ang imahe para sa video ni Arian Bodiongan via Facebook

Sinita rin niya ang taong nagre-rebond sa empleyado; “at pinapasok n’yo pa ang hindi empleyado ng gobyerno, I hope ‘yung nagrerebond ay hindi rin empleyado ng gobyerno, at ang tanong ko nasaan ang head of agency nito?”

Ilang oras lamang matapos ma-upload ang video ay sinuspinde na ng LTO ang empleyadong sangkot sa lantarang pagpapa-rebond sa loob ng opisina, sa oras ng trabaho, at higit sa lahat ay hindi pa umano nakasuot ng face mask.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: