‘Jumanji’ ba? Dalawang ostrich na namataang tumatakbo sa isang subdivision, nahuli na

  • Naging usap-usapan online ang namataan ng mga netizens na tumatakbong ostrich sa isang village sa Quezon City
  • Dalawa ang ostrich na nakuhanan ng camera ng mga residente sa village na tumatakbo at sinubukan pa ng isa na lumabas sa village
  • Ngayon ay nahuli na ang dalawang ostrich ngunit hindi pa alam kung saan galing ang mga ito

Nag-trending at naging usap-usapan online ang mga lumabas na video ng ostrich na namataan sa isang village sa Quezon City na malayang tumatakbo sa daan.

Imahe kuha mula sa video via Twitter

Akala noong una ay isang ostrich lang ito, ngunit nakumpirma sa isang video na kuha ni Rico Robles at na-upload sa Twitter na dalawa ang ostrich na pagala-gala sa Mapayapa Village III at FEU Diliman College sa Quezon City.

Mala pelikula umano tulad sa Hollywood film na “Jumanji” ang eksena ng mga ostrich na nakuhanan ng video. Nasa top 3 din sa Phillipe trends sa Twitter ang salitang “Jumanji” na nagkaroon ng 8,000 tweets at mayroon namang 20,000 tweets ang salitang “ostrich.”

Unang lumabas ang video na kuha ni Dino Rivera na nasaksihan ang tumatakbong ostrich na puno ng putik ang mga paa.

Imahe kuha mula sa video via Facebook

Sa isang video naman na kuha ni Mark Lawrence Molina Umipig ay makikitang sinubukan pa ng isang ostrich na lumabas sa village ngunit buti na lamang at naharangan ng guard at pabirong sinabihan na bawal lumabas dahil wala umano itong gate pass.

Sa video naman na kuha ni Rico Robles ay nakumpirmang dalawang ostrich ang sinusubukang hulihin ng mga awtoridad.  Marami pa nga ang naaliw sa videong ito dahil sa naging “commentary” ng kumuha ng video.

Imahe kuha mula sa video via Twitter

Sa ngayon ay nahuli na ang dalawang ostrich ayon na rin sa update ng ABS-CBN News. Sa ngayon ay hindi pa natutukoy kung saan galing ang dalawang ostrich.

Ngunit naging katuwaan man para sa marami ang eksena ng mga ostrich, marami naman ang nangamba dahil sa mga naging sitwasyon ng mga ostrich na dapat ay hindi nagagawi sa mga lungsod.

Ano kaya ang gagawin mo kapag ikaw ang nakakita nito o iba pang hayop na pakalat-kalat sa daan?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: