Ciara Sotto opisyal nang ipinakilala ang Philippine Pole at Aerial Sports Association

  • Noong 2010 ay naengganyo ang dating Eat Bulaga host, aktres, at singer na si Ciara Sotto sa pole dancing
  • Hindi pa ganoon kinikilala ang pole dancing dito sa bansa kaya naman isinulong ni Ciara na magkaroon ng asosasyon ng pole at aerial sports
  • Kamakailan ay opisyal nang itinatag ni Ciara ang Philippine Pole and Aerial Sports Association

Mayroon ka bang ideya kung ano ang pole dancing? Nakakita ka na ba ng mga marunong mag-pole dance? Ano ang iyong masasabi sa kanilang pagsasayaw habang nakabitin sa poste at paikot-ikot?

Imahe mula kay Ciara Sotto via Instagram

Hindi basta-basta ang pole dancing, dahil hindi tulad ng nakasanayan nating pagsasayaw, kinakailangan ng matinding lakas, konsentrasyon, flexibility, at grace sa pole dancing.

Imbes na steps sa pagsayaw ang ginagawa, ang mga pole dancers ay umaakyat sa poste na nakalaan para mismo sa pole dancing. Dito sila  umiikot-ikot at bumabali-baliktad at sila na ang tanging umaalalay sa kanilang buong katawan.

Dahil sa hirap ng pole dancing ay hindi na lang din ito isang uri ng pagsasayaw kundi maituturing na rin na sports—at ito nga ang tiniyak ng dating Eat Bulaga host, aktres, at singer na si Ciara Sotto, isang pole dancer.

Imahe mula kay Ciara Sotto via Instagram

Kabilang si Ciara sa mga kilalang personalidad na nakahiligan na ang pole dancing. Una niyang sinubok ang pole dancing noong 2010 at nakahiligan na niya dahil umano sa kakaibang challenge at performance na hatid nito.

At kamakailan ay natupad na rin ang isa sa mga pinakaaasam ni Ciara nang opisyal niya nang naitatag ang Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA).

Ayon sa Facebook page ng PPASA, ito ang pinakaunang national team para sa pole and aerial sports. Kinilala na rin ito ng International Pole Sports Federation.

Imahe mula kay Ciara Sotto via Instagram

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Ciara ang magandang balita na ito. Sinabi niyang bilang president at founder ng PPASA ay ikinalulugod niyang ipakilala ito sa bansa.

“I have been working on this for more than 2 years. I am very grateful to the Philippine Olympic Committee for finally recognizing us. This is such a great blessing from God and a very big milestone for the Pole and Aerial community in the Philippines,” ani ng dating EB host.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: