Balik-tanaw: Nasindak ka rin ba sa popular 90s paranormal drama na ‘!Oka Tokat’?

  • Isa ang popular 90s paranormal drama na “!Oka Tokat” sa mga palabas na nagmarka sa maraming Pilipino
  • Bata man o matanda ay malaki ang posibilidad na minsa’y nakadama ng takot dahil sa isa sa mga episodes nito
  • Umere ang “!Oka Tokat” simula 1997 hanggang 2002

Bata man o matanda, malaking ang posibilidad na minsan kang nakadama ng panghihilakbot sa kahit isa man lang sa mga episode ng popular 90s paranormal drama na “!Oka Tokat”.

Image captured from Facebook

Umere simula 1997 hanggang 2002, hindi maikakaila ang malaking papel na ginampanan ng palabas na ito hindi lamang sa Philippine television, kung hindi pati na rin sa buhay ng maraming manonood.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga sandali kung kailan nakararamdam pa sila ng takot dahil sa sikat na horror show.

“Grabe ang takbo namin noon, lalo na at nakikinood lang kami ng TV sa kapitbahay namin tapos malayong-malayo pa iyong bahay namin. Hahaha!” pagbabalik-tanaw ng social media user na si Jocelyn Laguas-Syrjanen. “Takbuhan talaga kami paglabas kapag uwian na, tapos dumadaan pa kami sa kawayanan! Feeling ko talaga noon may aswang na lumilipad na sumusunod sa amin!”

“Childhood memories!” kumento ni Mia Arome Mialex. “Nasaan na kaya iyong mga kasabayan kong manood noon na halos atakehin na sa puso sa sobrang takot kapag mag-uuwian na? May iba sa amin na uuwing luhaan dahil may nagtago ng tsinelas nila.

“Hehe! Matinding kapit sa damit ng kasama mo kapag uwian na,” pag-aalaala naman ni Wa Masabe.

Cast ng hit 90s show ‘!Oka Tokat’, nasaan na nga ba?

Image captured from Jeepney TV’s Facebook video

Ikaw, may hindi ka rin ba makalilimutang karanasan dahil sa takot na dala ng 90s paranormal show na ‘!Oka Tokat’?

Ibahagi sa comments section ang iyong mga kuwento!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: