Bagong bukas na Jollibee sa Texas, dinagsa ng mahigit 2,000 na customers

  • Sa planong pagbubukas ng marami pang branches ng kilalang food franchise na Jollibee sa ibang bansa, kamakailan ay nagbukas na rin ng Jollibee branch sa Plano City, Texas
  • Sa unang araw pa lamang ay dinagsa na ng mahigit 2,000 customers ang Jollibee
  • Upang maka-order ay kailangan munang tumawag  ng mga customers o kaya ay pumila sa drive-thru

Sa tuwing nababanggit ang “Jollibee,” walang Pinoy ang hindi ito kilala at hindi pa nakakakain ng pagkain dito dahil isa ito sa pinakakilalang fast food restaurants sa Pilipinas. Bata man o matanda ay tiyak na gustong-gustong kumain sa Jollibee.

Imahe mula Instagram / @jollibeeus

Dito lang sa buong bansa ay libo-libo na ang branches ng Jollibee stores na nagbibigay saya at nagpapabusog sa mga Pinoy. At dahil mayroon ding mga Pinoy na nasa ibang bansa, inumpisahan na rin ng Jollibee na dominahin ang international scene sa pagtatayo ng branches.

Kamakailan ay binuksan na rin ang pinakaunang Jollibee branch sa Plano City, Texas sa USA at pinagkaguluhan na agad ito sa unang araw pa lang ng pagbubukas.

“This new fast-food restaurant from the Philippines might be the buzziest new drive-thru in D-FW since In-N-Out opened here in 2011,” ayon sa online article ng Dallas News.

Imahe mula Instagram / @jollibeeus

Maraming mga pumila sa unang araw pa lang ng Jollibee sa Plano City ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa paghihintay ng halos dalawang oras para lamang makabili ng pinakakilalang menu na Chickenjoy at Jolly Spaghetti.

Tinawag ng Dallas News ang Jollibee na “the McDonald’s of the Philippines” dahil sa kasikatan nito na dinagsa ng halos 2,000 customers sa opening day pa lamang.

Dahil sa banta pa rin ng COVID-19 ay hindi pa rin pinapayagan ang dine-in at lahat ng orders ay kailangan munang itawag o kaya naman ay bumili sa drive-thru.

Imahe mula Instagram

Noong Hulyo ay mayroon na ring binuksang Jollibee branch sa Jersey City sa USA din. Ayon sa Jollibee Food Corp noong nakaraang taon, plano nilang palaguin ang  foreign business tulad ng mga dami ng branches dito sa Pilipinas.

“The long-term goals of JFC are to have 3 strong pillars of growth – Philippines, China and USA. However, it does not mean that the Philippine business will slow down, the intention is to have its foreign business grow faster than its Philippine business,” ayon sa Jollibee Foods Corp.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: