Back-to-back: ABBA songs tampok sa virtual jam ng Cruz clan

Image captured from Patrick Eh Rivera Production's video
  • Bumalik sa kahapon ang mga “young once” matapos mapakinggan ang virtual jam ng magpipinsang Cruz
  • Sa isang video, mapapanood ang virtual jam ng sikat na Cruz cousins na sina Geneva, Sunshine, at Donna; kasama ang tiyuhin nila na si Tirso Cruz III
  • Nostalgia ang hatid ng “ABBA Medley With The Cruz Family” sa netizens

Nagbalik-tanaw sa nakaraan ang mga “young once” sa virtual sing-along ng magpipinsang Cruz na sina Geneva, Sunshine, at Donna; kung saan nakasama pa nila ang kanilang uncle, ang beteranong aktor na si Tirso Cruz.

Image captured from Instagram

Sa video  na ibinahagi nila, mapapanood na inawit nila ang mga classic hit ng 1970s iconic Swedish pop group na ABBA–na dumagdag pa “throwback feels” mula sa kilalang pamilya ng mang-aawit.

“”ABBA Medley With The Cruz Family. Never would I have imagined. This is definitely a dream come true for us cousins to be able to do a collaboration with our Uncle Pip. Thanks Uncle for doing this with us. We love you!” saad ni Sunshine sa post na ibinahagi niya sa Instagram

Kasama sa inawit ng pamilya Cruz ang mga sikat na awitin ng ABBA na Chiquitita, Thank You For The Music, at Dancing Queen.

“We rarely get to see each other, Donna being based in Cebu while Geneva, though she’s here already, used to live all the way in the US. It is such a blessing that even in this way we get together and share the love for one another that we all miss. Hoping to share this happiness to everyone!” dagdag pa ni Sunshine.

Samantala, nagpasalamat naman si Donna sa kanyang mga pinsan sa pag-anyaya ng mga ito upang makasama siyang umawit.

Image captured from Instagram’s video

“Natupad din po ang isa sa mga matagal ko nang gustong mangyari ulit! Thanks, Gen and Shine, for inviting me to perform/sing a trio with you,” wika naman ni Donna. Nabanggit din niya na makakasama na rin nila ang isa pa nilang pinsan na si Sheryl Cruz sa susunod.