Upang malibang ang sarili, nanay naggantsilyo ng mga damit at accessories ng Barbie dolls

  • Ibinahagi ng isang anak ang pinagkaabalahan ng kaniyang ina ngayong may lockdown dulot ng COVID-19
  • Ang nanay kasi na ito ay naggantsilyo ng mga damit at accessories ng Barbie dolls
  • Ang mga natapos gantsilyuhin na mga damit ng mga manika ay pinadala sa kanilang mga batang pamangkin upang malaro ito

Sa panahon ngayon na mas maiging manatili na lamang muna tayo sa loob ng bahay, mahalaga na magkaroon ang bawat isa sa atin ng hobby o libangan.

Imahe mula Freepik

Nang magkaroon ng community quarantine, maraming Pinoy ang naghanap ng bagong mga hobby habang nasa loob ng bahay upang kahit papaano ay mapawi ang kanilang pagkabagot.

Habang ang ilan naman ay mas lalong sinanay ang kanilang nakasanayang hobby o ‘di kaya naman ay ginamit ito sa makabuluhang bagay—tulad ng isang nanay na mahilig sa paggagantsilyo at gumawa ng mga damit at accessories ng manika.

Sa Facebook post, ibinahagi ng isang anak ang kahiligan ng kaniyang nanay at kung paano niya ito ginamit upang magkaroon ng makabuluhang oras habang nasa gitna ng pandemya.

Imahe mula kay Sittih Pereira via Facebook

Ayon kay Sittih Pereira mula Taal, Batangas, upang aliwin ang sarili habang nasa loob ng bahay dahil sa lockdown, ay naggantsilyo ang kaniyang 56 anyos na ina na si Miriam Pereira ng mga nakabibighaning damit at accessories ng sikat na manikang Barbie.

She would dedicate I guess 4-5 hours in knitting, then to sum up the days probably it will take about 5-7 days per doll. She’s very delicate in the designs and for the other accessories,” ani Sittih patungkol sa nanay na si Miriam.

Ang paggagantsilyo umano ay hobby na talaga ng kaniyang ina na ginagawa ito sa kaniyang libreng oras. Natutukan itong gawin ni Miriam gawin nang magkaroon ng lockdown.

Imahe mula kay Sittih Pereira via Facebook

It keeps her calm, casts her worries and stress away due to the pandemic and it makes her happy and fulfilled especially when someone appraises her works,” kuwento pa ni Sittih.

Ang mga natapos umanong gantsilyuhin ni Miriam na mga damit at accessories ng manika ay pinapadala ni Sittih sa kanilang mga pamangkin na babae upang magamit nila sa paglalaro ng mga Barbie.

Bukod sa damit ng mga manika, marunong din umano maggantsilyo si Miriam ng ear savers, headbands, at turbans.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: