Unang nurse ng Manobo tribe, buena manong “New Normal EBest Scholar” ng Eat Bulaga

  • Bilang selebrasyon ng kanilang ikaw-41 na anibersyaryo, may nakatutuwang surpresa at anunsyo ang programang Eat Bulaga
  • Muli kasing inilunsad ng EB ang pagkakaroon nila ng iskolar program na may pamagat na “New Normal EBest Scholar”
  • Ang una nilang iskolar ay ang nag-viral na unang nurse ng Manobo tribe na naging guest din sa Bawal Judgmental

Maituturing na ang programang Eat Bulaga bilang “longest running noontime show” dito sa bansa. At kamakailan nga ay ipinagdiwang nila ang ika-41 nilang anibersaryo ala new normal.

Imahe mula Eat Bulaga via Facebook page

Sa loob ng mahigit apat na dekada, naging parte na ng mga Pinoy sa kanilang araw-araw ang Eat Bulaga na hindi lamang namimigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi patuloy din ang hangarin na makatulong at magbigay-inspirasyon.

Marami nang naging segment ang Eat Bulaga na ang layunin ay magbigay tulong sa mga Pinoy sa buong bansa. At isa sa pinaka-nakilala ay ang Juan for All, All for Juan na lumibot pa sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. “Ika nga ng kanilang theme song, “mula Batanes hanggang Jolo.”

Bukod sa mga naipamigay na pinansyal na tulong at pagkain sa milyon-milyong Pinoy, may mga buhay din na nabago dahil sa Eat Bulaga. Isa na rito ay dahil sa pagbibigay nila ng scholarship sa mga estudyanteng walang kakayahan na makapag-aral.

Imahe mula DF Buzz

Noong 2017, lumabas ang magandang balitang anim sa mga “Eat Bulaga Excellent Student Awards o EBest” iskolar ng Eat Bulaga ay nakatapos na sa kolehiyo.

At ngayong mayroong pandemya ay muling binuksan ng EB ang “New Normal EBest Scholar” para naman sa mga medicine at nursing graduates na nahihirapan sa pinansyal ng kanilang pag-review at board exam.

Una na ngang binigyan ng New Normal EBest Scholarship ang nag-viral na kauna-unahang registered nurse ng Tigwahanon-Manobo lumad sa Bukidnon na si Joeffrey Mambucon o mas kilala sa pangalang Otit.

Imahe mula DF Buzz

‘Bawal Judgmental’ episode, tampok ang mga katutubong tagumpay na nakatapos ng pag-aaral

Bilang iskolar, tutulungan siya ng Eat Bulaga sa kanyang pagre-review hanggang sa makapag-take siya ng board exam at maging ganap na doctor. Todo ang pasasalamat ni Otit sa Eat Bulaga sa oportunidad na ibinigay sa kaniya. Matatandaang naging guest ng segment na “Bawal Judgmental” si Otit at dito ay mas nalaman ang kaniyang nakaaantig na kuwento.

Sa mga nais mag-apply bilang New Normal EBest scholar, puntahan lamang ang link na ito sa >> Facebook.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: